^

True Confessions

La Viuda (56)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Mama naman! Disoras na ng gabi, anong kaguluhan ito? Nagpapa­hinga na ako!” tanong ni Ernesto habang mukha lang niya ang nakalabas sa nakaawang na pinto.

“Hindi ako naniniwalang nagpapahi­nga ka lang, Ernesto!” sigaw ni Donya Presentacion at marahas na itinulak ang pinto at mabilis na pumasok kasama ang arbularyo na si Mang Teban.

Subalit natigilan ang mga ito nang makitang walang damit pang-itaas si Ernesto at karsonsilyo lang ang suot. Pawisan ang dibdib, at halatang natataranta habang pilit na iniaayos ang kanyang sarili.

Sa kama sa kanyang likuran, nakahiga si Hulyana, magulo ang buhok. Nakatalukbong ito nang makapal na kumot hanggang dibdib na tila walang anumang suot sa ilalim.

Biglang nagtakip ng bibig ang donya sa matinding gulat at disgusto. Napamaang naman si Mang Teban sa nakita.

(Itutuloy)

ERNESTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with