^

PSN Showbiz

COJ, Hindi Masyadong umaasa sa Grammy

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
COJ, Hindi Masyadong umaasa sa Grammy
Cup of Joe
STAR / File

Umaasa ang Cup of Joe members na binubuo nina Gian Bernardino, Raphaell Ridao, Gab Fernandez, CJ Fernandez at Xen Gareza na maku-consider ang kanilang hit song na Sandali (Wait a Minute or One Moment) sa Best Asian Pop Performance Category sa Grammy Awards.

Hopeful pero hindi gaanong nag-i-expect ang grupo na sila ang mapipili. Gayunpaman, abala ngayon ang Cup of Joe sa paghahanda sa kanilang nalalapit na two-day concert at the Smart Araneta Coliseum sa darating na Dec. 3 and 4, 2026 na pinamagatang Cup of Joe Symphony na nakatakdang pamahalaan ni Paolo Valenciano, panganay nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano. Magsisilbi rin itong anniversary concert ng grupo na nabuo nung November 2018 nung sila’y pare-pareho pang estudyante sa St. Louis University in Baguio City.

Bukod sa awiting Sandali, nariyan pa ang iba nilang pinasikat na mga awitin at kasama na rito ang kantang Multo at iba pa.

The most streamed Filipino act ay nakapag-tanghal na sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas maging sa North America, UAE, Singapore at iba pang bansa na gusto nilang ipagpatuloy sa isang taon.

Sa limang miyembro, tanging si Gian Bernardino lamang ang nagka-interes na pumasok sa acting and made his acting debut sa pamamagitan ng hit Philippine adaptation ng Thai movie na Pee Mak na pinagbidahan ng magka-loveteam na Wilbert Ross at Bea Binene at kung saan din tampok sina Vandolph Quizon, Jairus Aquino, TJ Valderrama at Jerome Ponce.

Dindo, nagpasalamat kay Coco

Sobra ang pasasalamat ng veteran actor at cancer survivor na si Dindo Arroyo kay Coco Martin dahil hindi umano siya nakakalimutan nito na isama sa kanyang mga ginagawang serye.

Kasama si Dindo sa top-rating and longest-running action drama series na FPJ’s Ang Probinsyano, FPJ’s Batang Quiapo at ang tumatakbo ngayong serye on ABS-CBN, ang Sigabo.

Kung marami man ang nakapansin sa biglang pangangayayat ni Dindo, ito’y dahil sa kanyang naging sakit na pancreatic cancer na umabot sa stage 4 kung saan siya’y tinaningan ng kanyang doctor ng anim na buwan para mabuhay.

Pero hindi nawalan ng pag-asa ang actor at naging positibo siya sa kanyang pananaw sa buhay at kasama na rito ang matinding dasal at pati na rin ang kanyang pakikipagkita sa isang Chinese herbal doctor na nagngangalang Dr. Tan na ang clinic ay matatagpuan umano sa may Binondo, Manila.

Nang taningan siya ng kanyang doctor ng anim na buwan, nalungkot siya para sa kanyang bunsong anak na may special needs dahil siya umano ang nag-aalaga rito. Ang lima pa niyang mga anak ay pare-pareho nang nakapagtapos ng kanilang pag-aaral at may mga trabaho na.

Nang sumakabilang-buhay ang kanyang misis ay ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya muling mag-aasawa dahil aalagaan na lamang niya ang kanyang bunsong anak.

Samantala, marami ang hindi nakakaalam na ang veteran actor at dating action star na si Phillip Salvador ang naka-discover kay Dindo at agad siyang isinama sa pelikula nitong Ikasa Mo, Ipuputok Ko na pinamahalaan ni Augusto ‘Ogie’ Salvador.

CUP OF JOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with