^

Police Metro

Palasyo kay Bato... sumuko na para hindi dumanak ang dugo!

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para hindi na umano dumanak ang dugo ay hinikayat ng Malakanyang si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na sumuko na lang at harapin ang arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC).

“Sumuko ka na. Sumuko ka na kasi para wala nang dugong dadanak,” wika ni Presidential Communications Officer Undersecretary Claire Castro.

Ginawa ni Castro ang panawagan matapos sabihin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nasa Mindanao si Dela Rosa sa ilalim ng proteksyon ng isang grupo kung saan nakikipag-negotiate ang gobyerno para isuko siya.

Ayon kay Remulla, hindi basta maaresto ng mga otoridad si Dela Rosa nang hindi magkakaroon ng komprontas­yon at pagdanak ng dugo.

Nanawagan si Castro sa mga nagkakanlong kay Dela Rosa na huwag magsilbing tulay upang matakasan ng senador ang mga kasong kinakaharap nito.

RONALD DELA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with