^

Probinsiya

Estudyanteng rider nabagok sa semplang, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 18-anyos na college student matapos mawalan ng kontrol minamanehong motorsiklo at mabagok sa pagbagsak sa kalsada sa Cainta, Rizal nitong Martes.

Dead-on-arrival sa Cainta Municipal Hospital ang biktimang si alyas “Seth,” residente ng Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal.

Batay sa ulat ng Cainta Municipal Police, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa tapat ng Meralco Junction, na matatag­puan sa Ortigas Avenue Extension, Brgy. Sto. Domingo, Cainta.

Makikita sa kuha ng CCTV sa lugar na bago ang aksidente ay minamaneho ng biktima ang isang kulay gray na motorsiklo at binabagtas ang Ortigas Avenue Extension patungong Pasig City.

Gayunman, pagsapit sa naturang lugar ay nawalan ang rider ng kontrol sa kanyang motorsiklo sanhi upang siya ay sumemplang at sa kamalasan, tumama ang ulo sa sementadong kalsada na kanyang ikinasawi.

RIZAL

CAINTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with