^

PM Sports

Eala tututok na ulit sa WTA Tour

Chris Co - Pang-masa
Eala tututok na ulit sa WTA Tour
Pinay tennis ace Alex Eala.
STAR / File

MANILA, Philippines — Matapos ang bigong kampanya sa Asian Ga­mes, sesentro na ang aten­siyon ni Alex Eala sa pagbabalik-aksyon nito sa WTA Tour.

Move on na agad si Eala dahil sasabak ito sa Wuhan Open sa China na gaganapin sa Oktubre 12 hanggang 18 kasunod ang partisipasyon sa Ningbo Open sa China rin sa Oktubre 19 hanggang 25.

“I’m going to Wuhan and continue the tour,” ani Eala matapos maputol ang ratsada nito sa Asian Games semifinals.

Lumasap si Eala ng masaklap na 6-3, 3-6, 2-6 kabiguan sa kamay ni Wang Xiyu ng China upang magkasya lamang sa tansong medalya.

Sa kabila nito, nagpa­salamat si Eala sa mga sumuporta sa kanyang laban.

Ibinuhos nito ang lahat ng kanyang makakaya subalit kinapos ito kontra sa Chinese netter.

“Thank you so much. It meant a lot to me to be here and to compete, and, you know, at the end of the day, I gave my all. I prepped the best I could prep,” ani Eala.

Masaya si Eala sa experience nito sa Asian Games dahil marami rin itong natutunan partikular na sa mga bagay na dapat nitong tutukan at ma-improve.

Masaklap ito para sa Pinay netter na paboritong magkampeon sa Asian Games tangan ang No. 1 seed at may pinakamataas na ranking sa torneo.

Subalit hindi pumabor ang kapalaran para kay Eala.

Lumiban pa si Eala sa WTA 1000 Beijing Open na isang mandatory event ng WTA kung saan nakaamba ang penalty dahil sa hindi nito paglalaro sa naturang torneo.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with