Pardon kay Mary Jane Veloso, iginagalang ng Indonesia
MANILA, Philippines — Iginagalang ng pamahalaan ng Indonesia ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng absolute pardon ang dating overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), nirerespeto ng Jakarta ang naturang hakbang dahil alinsunod ito sa kasunduan ng Pilipinas at Indonesia hinggil sa paglilipat ng mga preso o prisoner-transfer agreement na nilagdaan noong Disyembre 2024.
Nilinaw din ng DOJ na nang maibalik si Veloso sa bansa, ang pagpapatupad ng sentensya at pagbibigay ng clemency ay saklaw na ng soberanya at mga batas ng Pilipinas.
Magugunita na pinirmahan ni Marcos ang absolute pardon ni Veloso noong Setyembre 24, 2026, na nagbigay-daan sa kaniyang tuluyang kalayaan matapos ang mahigit 16 na taon sa piitan sa Indonesia at Pilipinas.
Ayon kay Yusril Ihza Mahendra, Coordinating Minister for Law, Human Rights, Immigration, and Correctional Affairs ng Indonesia,iginagalang nila ang desisyon ng Pangulo ng Pilipinas batay sa naging kasunduan ng dalawang bansa. Humarap si Veloso sa isang press briefing sa DOJ upang pasalamatan ang mga tumulong sa kaniya at ipahayag ang hangaring panagutin ang kaniyang mga illegal recruiter.
- Latest



















