Comeback show ni John Lloyd, si Dingdong ang producer

Mukhang tuloy na itong pagbabalik-acting ni John Lloyd Cruz, dahil pinag-uusapan na, at pina-finalize ang sitcom na gagawin nito sa GMA 7.
Wala pang complete details pero pagsasamahan nga raw ito nila ni Ellen Adarna.
Kamakailan lang ay nag-post si Paolo Contis sa kanyang social media account na magkasama sila nina Dingdong at John Lloyd.
Nasa caption nito, “An hour and a half later…(laugh emoji).”
Kinulit namin si Paolo kung meron silang binubuong project, tipid lang ang sagot na abangan na lang daw.
Pero napag-alaman naming si Dingdong Dantes pala ang magpo-produce ng sitcom nina John Lloyd at Ellen.
Sabi ng iba pang napagtanungan naming malapit kay John Lloyd, sa pagkakaalam daw niya ay ang production company ni Dingdong ang magla-line produce.
Pero sabi naman ng ilang taga-GMA, pinapa-finalize pa raw lahat. Kaya wala pa silang masasagot kaugnay rito except sa ang Doorbell Productions na production ni Dingdong.
Bukod sa Agosto Dos na kung saan ay nagpo-produce ng pelikula, meron ding Doorbell Technologies kasabay ng kanyang DingDong Ph na delivery service.
Nag-expand na nga raw ang kumpanyang ito at kasama na itong pagpo-produce.
Wala pa kaming ideya kung ano naman ang partisipasyon ni Paolo Contis na malapit sa dalawa.
Naging bahagi rin kasi si Paolo sa pag-conceptualize sa sitcom, na malamang magiging part siya sa cast.
Sobrang puno ang schedule ni Dingdong, pero may panahon pa siya sa pagpo-produce.
In-announce na nga ng GMA 7 na may 14 episodes pa ang The Master Cutter.
Ayon sa ilang napagtanungan namin, hanggang 14 episodes na lang daw talaga ang nakayanan sa schedule ni Dingdong.
Kahit nag-leave pa siya sa Family Feud, kapos pa rin ang araw na maibibigay dahil may pelikula pa pala siyang gagawin, at sisimula na rin ang promo ng Remember nila ni Marian Rivera sa Star Cinema.
Meron pa siyang The Voice Kids at matagal nang naka-schedule ang bakasyon nila ni Marian kasama ang kanilang mga anak.
Halos ganito rin ang nangyari kay John Lloyd Cruz na una palang inalok sa pelikulang A Perfect Marriage.
Ito dapat ang reunion movie nila ni Bea Alonzo, pero hindi lang namin alam kung bakit hindi sila natuloy.
Nagustuhan daw ni John Lloyd ang script, at gusto talaga niyang gawin. Pero magkakaroon pala ng confict sa schedule kung mapipili ito sa Metro Manila Film Festival.
Hindi makakasali sa promo si Lloydie dahil ibinigay pala niya ang December niya sa anak niyang si Elias.
Matagal na raw nakakasa ang bakasyon ni Lloydie kasama si Elias sa ibang bansa.
Nakakatuwa na talagang nagbibigay sila ng panahon sa kanilang pamilya.
Mark Lapid, walang tf sa Quiapo
Mismong si Mark Lapid ang nagkumpirmang hindi totoong matatapos na ang Sigabo ni Coco Martin.
Bahagi si Mark sa naturang teleserye at nagulat din daw sila sa tsismis na tatapusin na ito agad.
Matagal pa raw sabi ni Mark at marami pa raw mga bagong character na papasok.
Hindi lang niya masabi kung sino pa ang sasali sa teleseryeng ito pero matagal pa raw at marami pa raw aabangan.
Eight to 10 years na raw ang maganda nilang samahan mula sa Ang Probinsyano, hanggang sa Sigabo. “He is my brother. Parang iisa lang naman kami e,” pakli niya.
“Since we started naman Ang Probinsyano, ‘di ba? So, nagtutulungan kami. There are things na... not being as an actor. Hindi na ‘yun.
“‘Yung malasakit namin, I think parehas lang sa industriya. That’s why nung kinausap niya kami to join him in Probinsyano pa lang. When we started ni Erpats...
“Hindi lang naman ‘yung papel na ginagampanan namin, including sa different scenes na kaya naming tumulong, mapagaan ang isang eksena, especially on the action side, tumutulong kami.
“We don’t ask any payment for that. Tulong lang kami. Hanggang ngayon tumutulong kami. ‘Pag kailangan kami, sinasabihan kami, then, we go there,” dagdag niyang pahayag.
Talagang malalim ang kanilang samahan na ang tulong na binibigay nila ay walang perang involved.
Nagsimula silang tumulong sa Ang Batang Quiapo na wala silang talent fee na inaasahan.
May talent fee pa sila sa Ang Probinsyano, pero sa Ang Batang Quiapo hanggang ito sa Sigabo ay talagang tumutulong lang daw sila. “We’re being asked to help. Kasi, sometimes ‘yung mga eksena na kailangan. So ‘yung experience namin on how we execute sa fight scenes, sabugan, mga ganun,” tugon ni Mark Lapid.
Ang isa raw talaga sa nagustuhan nila kay Coco ay ang disiplina nito sa trabaho.
Nami-misinterpret lang daw ito minsan, pero pagdating daw kasi sa trabaho ay istrikto ito. Ani Mark, “I think what’s nice about Coco is his passion to help a lot of people in the industry. Pati ‘yung mga manggagawa.
“Minsan kasi nami-misunderstood siya because of his strict when it comes to work. Kasi, kahit ako din naman I agree with that na parang trabahong binigay sa atin, pagbutihan natin, huwag nating paglaruan.
“Talagang strict siya. I mean talagang professional, ‘yun lang ang masasabi ko. The enthusiasm, passion for the job, for the work, is talagang nandiyan.
“So, minsan kahit delikado na, ginagawa pa rin niya kasi kailangan. So, I mean just to deliver kung ano ‘yung dapat i-deliver for the viewers.
“But I think the most important thing is the ano... passion to help. He’s the one who pioneered old actors na wala na sa limelight.
“To be honest, na-appreciate ng mga viewers ngayon ‘yung mga dating bumabalik na ay ang galing pala ni ganito.
“I mean, yes, dati silang mga artista, dating mga award-winning actors din ‘yung mga ‘yun. Of course they’re good ‘di ba?
“Pero ngayon lang sila naa-appreciate niyan because now, may social media na, may internet ka, so easy access na dati’y wala,” saad ni Mark Lapid.
Abala si Mark Lapid sa trabaho niya bilang COO ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, pero nakakapag-taping siya ng weekend.
Kaya wala siya sa grupo ni Coco, at nasa ibang unit siya naka-assign dahil hindi kaya ng schedule niya ang MWF (Monday-Wednesday-Friday) na taping.
Sa Biyernes at Sabado lang siya pupuwede sa may side raw ni Julia Montes.
Ngayon ay puspusan ang trabaho niya sa naturang ahensya at isa sa pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang pag-improve sa airport ng key destinations.
Bahagi ito sa project nilang Institutionalized Leveraging Infrastructure Program on Airport Development o iLIPAD. Sampung airports ang aayusin nila sa iba’t-ibang lungsod, kagaya ng Butuan, Zamboanga City, Tuguegarao City, sa Siargao, Surigao del Norte, Roxas City sa Capiz, Pagadian City, Laoag, Kalibo, Dumaguete sa Sibulan, Negros Oriental at sa Calbayog, Samar.
- Latest






















