^

PM Sports

Gilas minasaker Kazakhs sa Asiad

Pang-masa
Gilas minasaker Kazakhs sa Asiad
Binanderahan ni Jerrick Ahanmisi ang Gilas Pilipi- nas sa pagmasaker sa Kazakhstan sa 20th Asian Games.
grab/cignal)

MANILA, Philippines —  Pinatumba ng nagdedepensang Gilas Pilipinas ang Kazakhstan, 109-78, para palakasin ang pag-asa sa quarterfinals ng 20th Asian Games men’s basketball tournament kahapon sa Aichi International Arena sa Nagoya, Japan.

Humataw si Jerrick Ahanmisi ng team-high 22 points tampok ang pitong three-point shots, habang may 20 markers si Robert Bolick kasama ang apat na tres para sa 1-1 kartada ng Nationals sa Group C.

Bumalikwas ang Gilas Pilipinas mula sa naunang 85-89 kamalasan sa Bahrain noong Biyernes.

Bagsak ang mga Kazakhs sa 0-2 baraha matapos ang 61-99 pagyukod sa China kamakalawa.

Kaagad inilista ng Gilas Pilipinas ang 11-0 bentahe patungo sa pagtatayo ng isang 21-point lead, 38-17, galing sa tres ni Bolick sa 4:56 minuto ng second period.

Nakalapit ang Kazakhstan sa 58-67 sa third quarter hanggang bumida si Ahanmisi sa final canto sa pagsasalpak ng apat na sunod na tres para sa 97-74 kalamangan ng Nationals sa huling 3:24 minuto nito.

Samantala, pinulbos ng China ang Bahrain, 105-59, para sa kanilang 2-0 record papasok sa quarterfinals.

Kumamada si Liao Sanning ng 23 points para banderahan ang mga Chinese na nagmula sa 38-point demolition sa mga Kazakhs noong Biyernes.

Swak na rin sa quarterfinals ang host Japan at South Korea sa bisa ng magkatulad nilang 2-0 kartada sa Group A.

Tinalo ng mga Japanese ang Saudi Arabia, 86-80, habang pinadapa ng mga South Koreans ang Indonesia, 102-48.

GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with