^

Police Metro

Drug suspect nanlaban sa buy-bust, todas

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa
Drug suspect nanlaban sa buy-bust, todas
Sa ulat na tinanggap ni P/Col. Ritchie Claravall, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Pantabangan Municipal Police Station sa Barangay Malbang ng nasabing bayan laban sa suspek.
Google Maps

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 50-anyos na lalaki nang ito umano ay manlaban sa mga operatiba ng pulisya sa isang drug buy-bust operation sa Barangay Cambitala, Pantabangan, Nueva Ecija, noong gabi ng Martes, Setyembre 8.

Kinilala ang nasawing suspek na si alyas “Jun,” na umano ay kilalang drug pusher sa kanilang lugar.

Sa ulat na tinanggap ni P/Col. Ritchie Claravall, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Pantabangan Municipal Police Station sa Barangay Malbang ng nasabing bayan laban sa suspek.

Sa gitna ng transaksyon ay bigla umanong naglabas ng isang caliber .45 pistol ang suspek at ipinutok ng dalawang beses patungo sa isang operatiba na nagpanggap na buyer na tinamaan sa dibdib.

Nagkataon na naka­suot ito ng bullet proof vest at bilang depensa ay gumanti ng putok ang mga operatiba na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Narekober ang tinatayang tatlong gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P20,400 isang caliber .45 pistol; isang buy-bust money; at ang tricycle na ginamit ng suspek.

BUY-BUST OPERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with