Pilar, ayaw magpaka-trying hard!

MANILA, Philippines — Kung meron mang isang excited na ipalabas ang psycho-thriller movie na Mantsa, ang veteran actress na si Pilar Pilapil ‘yun. Lalo na at katuwiran niya ay kakaiba at nakakaloka ang kanyang role sa pelikula.
Kung sabagay, ayon sa actress, wala na siyang papel na pwedeng tanggihan.
At sa Mantsa, naniniwala siyang walang kinalaman ang kanyang relihiyon sa kanyang role sa pelikula na dinirek ni Louie Ignacio.
Starring din sa Mantsa sina Shira Tweg, Khai Flores at Gelli de Belen with Janice de Belen, Snooky Serna, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, LA Santos, Bo Bautista, Miles Poblete, Than Perez, RJ Ariar, among others. “Ang spiritual kasi, ang ibig sabihin noon, ‘yun ang ways mo, na you have a relationship with the Lord. Pagkatapos ‘yung ways mo as a person. You are spiritual in your ways.
“It has nothing to do with religion. It has a spiritual ways. You have your own spiritual ways,” sabi ng iconic actress. Kaya wala siyang isyu kahit pa nga suki siya sa mga kontrabida role. “Kasi bagay raw talaga ako na kontrabida! Well, it takes a lot from me to be angry all the time. Hahahaha! It takes a lot... It’s easier to act when you’re not angry! It’s harder when you’re angry all the time!” say niya sa ginanap na media conference ng Mantsa recently.
Aminado rin siyang wala siyang hindi kayang gawin. “Oo! Marami pa akong puwedeng gawing roles. If you are a good actor, you can do anything!”
Pero handa ba siyang magpaka-daring sa edad niya ngayon. “Ay hindi na! Trying hard na masyado ‘yon!” mabilis niyang sagot.
May nakakalokang factor nga ang role ni Pilar sa Mantsa na prodyus ng Dragons Entertainment Productions, Inc. nina Bambbi Fuentes, Tine Areola and Ric Valenzuela.
Mag-uumpisa itong mapanood sa mga sinehan sa Oct. 7.
- Latest






















