^

Police Metro

Marcos: Maging alerto sa Bagyong Maymay

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na manati­ling nasa full alert at tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa mga lugar na nanganganib dahil sa Tropical Storm Maymay at pinalakas na southwest monsoon o habagat.

Sa isinagawang press briefing kahapon sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at ­Palace Press Officer Atty. Claire ­Castro na ipinag-utos ng Pangulo sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na ipatupad ang maagap na mga hakbang sa pagtugon sa kalamidad upang mabawasan ang epekto ng bagyo at maprotektahan ang mga komunidad na pinakaapektado.

Sinabi ni Castro na isinailalim na sa full alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) alinsunod sa direktiba ng Pangulo, habang ipinatutupad na rin ng lahat ng miyembrong ahensiya ang mga kinakailangang hakbang bilang paghahanda upang matiyak ang mabilis at magkakaugnay na pagtugon sa anumang sakuna.

Idinagdag niya na nag-utos na rin ang mga awtoridad ng mahigpit na preemptive evacuation sa mga lugar na madaling bahain, tabunan ng landslide at mga pamayanang nasa baybayin upang mabawasan ang panganib na dulot ng paparating na sama ng panahon.

“Ayon sa DSWD, sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian, umabot sa halos P1.8 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa humanitarian assistance sa mga maaapektuhan ng sama ng panahon,” ani Castro.

Sa Metro Manila, sinabi ni Castro na nakapag­puwesto na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pamumuno ni Chairman Romando “Don” Artes, ng mga rescue personnel at kagamitan at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa mga disaster risk reduction offices at sa 17 local go­vernment units sa National Capital Region.

Ayon kay Castro, gumagana ang lahat ng 73 pumping stations sa Metro Manila, habang nakaantabay ang mga mobile pum­ping units at isinasagawa na ang preemptive pumping operations upang mapataas ang kapasidad ng mga dalu­yan ng tubig at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha.

BAGYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with