Pag-aresto kay Bato, hindi kinumpirma ng DOJ at NBI
MANILA, Philippines — Walang natatanggap na anumang impormasyon ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation na naaresto na ang puganteng si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court.
Nilinaw ni DOJ spokesperson Polo Martinez na wala pa silang hawak na pormal na ulat bilang patunay na may naganap na pag-aresto hinggil sa kumakalat na balitang naaresto na ang senador.
Ayon naman kay NBI Director Melvin Matibag, na wala pa silang kumpirmasyon kung naaresto na si Bato.
Si Bato ay may warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa reklamong crimes against humanity at kasalukuyang nagtatago.
- Latest















