^

Probinsiya

Acting mayor sa San Pablo City, iniluklok

Ed Amoroso, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA , Philippines – Matapos na kapwa sinuspinde ng Ombudsman ang mayor at vice mayor ng San ­Pablo City, iniluklok na ang pangunahing konsehal sa lungsod na si Carmela Acebedo bilang ­acting mayor noong Lunes ng hapon.

Si Acebedo ay pormal nang nanungkulan bilang ikatlong alkalde ng lungsod matapos isilbi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang anim na buwang preventive suspension order na inisyu ng Office of the Ombudsman laban kay Vice Mayor Justin Colago na unang umaktong acting mayor noong Hulyo 14, 2026 nang masuspinde rin ng anim na buwan si City Mayor Najie Gapangada Jr. “Tinatanggap ko ang mga responsibilidad, na nagsisilbi bilang acting mayor ng lungsod na ito na may kababaang-loob at may kaakibat na malalim na mga tungkulin, sabi ni Acebedo.

Nanumpa si Acebedo sa harap ni Judge Luvina Roque matapos niyang matanggap ang utos ng DILG nagsasaad na itinatalaga siya bilang acting City Mayor noong Lunes ng hapon.

Dahil sa nabakante rin ang posisyon sa pagka-bise alkalde, inilagay rin si Councilor Barbie Diaz bilang acting vice mayor ng lungsod.

“Ang aking pong katapatan ay laging mananatiling para sa bayan na aking piniling pagsilbihan,” pahayag naman ni Diaz.

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with