^

Police Metro

Pulong Duterte inisnab imbitasyon ng ICI

Joy Cantos - Pang-masa
Pulong Duterte inisnab imbitasyon ng ICI
Base sa ipinoste ni Pulong Duterte sa kaniyang facebook post, sinabi nito na walang hurisdiksyon ang ICI para obligahin ang mga miyembro ng Kamara na dumalo sa imbestigasyon.
The Philippine STAR / KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Inisnab ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang imbitasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na dumalo sa imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects sa distrito ng mambabatas.

Base sa ipinoste ni Pulong Duterte sa kaniyang facebook post, sinabi nito na walang hurisdiksyon ang ICI para obligahin ang mga miyembro ng Kamara na dumalo sa imbestigasyon.

Iginiit nito na ang ICI ay bahagi ng sangay ng ehekutibo na walang kapangyarihan na mag-subpoena ng mga Kongresista ng Kamara kaugnay ng doktrina sa hiwalay na kapangyarihan.

“The ICI appears without power nor jurisdiction over me,” punto ni Duterte sa liham na ipinalada nito kay ICI Chairman Andres Reyes Jr.

Alinsunod sa Executive Order ni PBBM ay nilikha ang ICI na binigyan ng kapangyarihan para mag-imbestiga, mangalap at magsagawa ng ebalwasyon sa mga ebidensya, pakinggan ang panig ng mga nililitis, mga testigo at suriin ang intelligence report o anumang impormasyon sa potensiyal na matinding korapsyon sa mga proyekto sa imprastraktura.

INDEPENDENT COMMISSION FOR INFRASTRUCTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with