^

PSN Opinyon

POGO gawin nang ilegal

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Napatunayan na natin na ang mga POGO, bagamat may permiso ng pamahalaan ay mga sindikatong kriminal na ang nagpapatakbo ay mga Intsik. Kidnap for ransom, on-line scam at pang-eespiya ang ginagawa ng mga iyan ka­palit ng malaking kabayaran.

Mga IT experts ang nagtatrabaho riyan na kayang ma-hack ang mga on-line sites ng pamahalaan. Pati salaping­ nakadeposito sa mga banko ay kayang limasin ng mga computer experts.

Lubhang seryoso na ang problemang idinulot ng mga establisimyentong iyan sa pagpasok ng mga Chinese citizens na posibleng pumasok sa bansa para manakop.

Kung gayon ang kalakaran, bakit pinahihintulutan pa ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Opera­tions na ang nagbibigay ng permiso ay ang Philippine Amuse­ment­ and Gaming Corporation?

Kung sino mang matataas na opisyal ang nagbukas ng pinto para mapasok tayo ng mga Intsik na iyan ang dapat­ pana­gutin. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa pino­­prok­la­mang illegal ang mga POGO. Dahil ba lubha nang ma­lakas ang koneksyon sa pamahalaan at tayo ay kontrolado na?

Hindi rason ang malaking revenue na ipinapasok ng mga iyan sa kaban ng bansa. Kahit pa trilyong dollar ang kayang pinasok ng mga iyan, kung Ito’y sasalanta sa pam­bansang seguridad, dapat nang palayasin ang mga iyan.

Isang utos lang ni Presidente Marcos ay magagawa iyan. Iyan naman ay kung gugustuhin niya. PBBM, kilos na!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with