^

PSN Showbiz

Jowa ni Sandro na si Alexa miro pinatigil ni Pangulong Marcos sa Eat Bulaga?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ang saya ng taga-Eat Bulaga nung Sabado na kung saan ay ipinagdiwang nila ang 44th anniversary nito.

Pagkatapos ng show na kung saan ay nag-overtime pa nga sila ng halos 10 minutes, nagkaroon ng misa sa loob ng studio at may pa-party ang pamilya Jalosjos sa kanila.

Nagkantahan at nagkatuwaan, na ang isa pang narinig namin, namigay pa raw ng bonus ang TAPE, Inc. sa kanila.

Tinanong ko naman si Paolo Contis kung totoo ngang nagpa-bonus ang TAPE sa kanila, “he he he” lang ang sagot nito.

Sabi naman ni Paolo, ayaw na raw niyang mag-emote pa sa kanilang programa.

Wala naman daw silang balak na patulan ang mga bashing at kung anu-ano ang mga sinasabi laban sa kanila.

Nagsalita lang daw siya dahil sa anniversary ng naturang show.

Tapos na raw ‘yun!  Masaya na raw sila sa kanilang show, lalo na ang pag-handle sa kanila ng TAPE, Inc.

Ang isa pa raw sa ipinagpasalamat nila ay umabot na ng 31 minutes ang commercial load nila nung araw na ‘yun.

Napaka-cooperative pa raw ng GMA 7 sa kanila, na pinagbigyan pa raw sila nang mag-request sila ng 10 minutes na extension.

Kinulang talaga sila sa oras, kaya ‘yung isa pa nilang pakulo na mamimigay sila ng cellphone at tig-44 thousand sa pitong viewers, ngayong Lunes na raw nila gagawin.

Tanggap na raw nila Paolo kung meron pa ring masasabi ang ibang bashers laban sa kanila.

Samantala, kapansin-pansin na wala si Alexa Miro nung Sabado.

Pati sa video na niri-record nila ang bagong theme song ng Eat Bulaga, wala rin doon ang singer/actress.

Nagduda tuloy kami na baka totoo nga ang narinig naming pinapatigil na siyang mag-host ng Eat Bulaga ng ama ng napapabalitang boyfriend nito.

Si Alexa ang nababalitang karelasyon ni Cong. Sandro Marcos.

‘Yun pala, ilang araw nang naka-confine si Alexa sa hospital.

Nagkapigsa pala siya na medyo severe dahil nasa second layer na raw ng skin niya ang boil na ‘yun, na kailangan talaga niyang i-confine ng ilang araw.

Lianne, mas lalong kinamuhian

Ibang klaseng kontrabida ang ipinakita ni Lianne Valentin sa Royal Blood kung ikumpara sa una niyang ginawa sa Apoy sa Langit.

Pero ang tsika sa amin ni Lianne, mas lalo raw siyang kinamuhian dito sa ginagawa niya ngayong drama series ni Dingdong Dantes.

Ani Lianne, “Kung gaano kagrabe ‘yung reaction nila sa akin sa Apoy sa Langit, parang hinihigitan nila ngayon dito sa Royal Blood, kasi ‘yun nga, my role as Stella sa Apoy sa Langit is very different from Beatrice Royales dito sa Royal Blood.

“Malalim kasi ‘yung mga characters ng bawat isa sa Royal Blood na talagang kailangan mong pag-isipan ‘yung bawat sasabihin mo, ‘yung bawat gagawin mo for that character development in real,” pahayag ni Lianne nang nakatsikahan namin sa nakaraang story conference ng pelikulang Apo Hapon ng GK Productions na ididirek ni Joel Lamangan.

Dito sa Apo Hapon ay kontrabida pa rin si Lianne, at okay lang daw sa kanya kung dito na siya nalilinya.

Pero bukas din siya sa posibilidad na makaganap din siya ng role ng isang inaaping karakter. Ibang challenge rin daw ito sa kanya.

Makakasama ni Lianne dito sa pelikulang Apo Hapon sina JC de Vera at ang Japanese actress na gustong maging Pinay na si Sakura Akiyoshi.

Bale first movie raw niya ito kay direk Joel Lamangan.

Mga edad 11 o 12 years old pa lang daw siya nung dinirek siya ni direk Joel sa teleseryeng Valiente.

Kaya ibang excitement daw sa kanya itong makakatrabaho niya sa pelikula.

EAT BULAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with