^

Probinsiya

14-anyos estudyante todas, 2 pa sugatan

Ed Amoroso, Joy Cantos, Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
14-anyos estudyante todas, 2 pa sugatan
Sa ulat ni Calamba City Police chief P/Lt. Col Dennis de Guzman, nangyari ang insidente sa kahabaan ng highway ng Brgy. Parian ng lungsod.
STAR / File

Onsehan ng droga, sinisilip

LAGUNA, Philippines — Patay ang isang 14-anyos na estudyanteng angkas ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang tiyuhing rider, at isa pang babae matapos silang pagbabarilin ng isang lala­king nakasuot ng Joyride uniform dahil sa umano’y onsehan sa droga sa Calamba City, Laguna, Linggo ng umaga. 

Sa ulat ni Calamba City Police chief P/Lt. Col Dennis de Guzman, nangyari ang insidente sa kahabaan ng highway ng Brgy. Parian ng lungsod.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Calamba City Police, naganap ang insidente bandang alas-11 ng umaga sa Purok 5, Brgy. Parian, Calamba City,

Sa pagsisiyasat, binabagtas ng rider na si alyas “John”, 23 anyos, binata, ang naturang lugar sakay ng isang itim na Honda motorcycle na may plate number D609SY at ­angkas nito ang 14-anyos na si alyas “Zel,” nang biglang sumulpot ang suspek na nakamotorsiklo rin at tinabihan sila bago sunud-sunod na pinagbabaril.

Dahil sa pangyayari, natumba ang motorsiklo ng mga biktima at kapwa sila nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan. 

Nadamay rin sa pamamaril ang isang babaeng na kinilala sa alyas “Cy”, 40-anyos, na nasa lugar lang matapos tamaan ng ligaw na bala.

Agad na naitakbo sa pagamutan ang mga biktima subalit idinekla­rang dead-on-arrival ang 14-anyos sanhi ng dami ng balang bumaon sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, habang patuloy na ginagamot ang driver na si John at nadamay na babae.

Ang suspek na nakasuot ng Joyride long sleeves, jogging pants at sapatos ay tumakas sakay ng kulay pulang Honda Click.

Iniimbestigahan nga­yon ng pulisya ang anggulong “onsehan sa droga” na motibo sa pamamaril.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with