Kris, may bagong autoimmune na nadiskubre
Nag-trending si Kris Aquino kahapon sa X dahil finally nag-post siya tungkol sa mainit na isyung pinag-uusapan kaugnay sa ginawa ng Machong Chismisan sa anak niyang si Joshua.
Pero hindi na pinairal ni Kris ang galit dahil ang mas concern niya ngayon ay ang kalagayan ng kanyang kalusugan.
May bagong autoimmune disease na naman daw siyang kinakaharap ngayon na mas nakakatakot daw ang symptoms.
Kaya ang nasabi lang niya tungkol sa isyu ng kanyang anak: “Many of you may have wondered why I gave no statement to what were irresponsible & uninformed opinions. A friend who I admire for his wisdom told me there are people I should learn not to give oxygen to, in other word ignore and the issue dies a natural death. By never stating their names, or my feelings, they didn’t get the word war from me they were expecting.”
Sa mga kasunod na pahayag ni Kris, ipinapakita niyang may kuwenta si Joshua. May ambag siya sa kanilang tahanan, lalo na sa kanyang kalagayan sa ngayon.
Ani Kris: “I haven’t felt the need to share with you what happens in our home. But to set the record straight, kuya is with me during our afternoon siesta, although mine stretches to 4 hours. When he sees Bimb going to his computer, kuya knows it’s his shift. And he loves to say: ‘Mama your shoulder’s here. I sleep best with my head resting on Kuya’s shoulder and my arms wrapped around his left arm.’ It’s difficult because he can’t move but Monday to Friday kuya Josh does his share to care of his mama.”
Hindi makakatulong sa kalagayan ngayon ni Kris ang ganitong isyung pinag-iinitan ng netizens. Mabuti at mga tao na ang lumalaban para kay Josh.
Pero mas kailangan ni Kris ang panalangin sa bagong challenge na hinaharap ng kanyang kalusugan.
Nagpapasalamat siya sa patuloy na nananalangin sa kanya, pero mahirap pa rin talaga ang pinagdaraanan niya. “If I don’t post, I am in so much pain that I’m bedridden for 5 days, or if you don’t see reels—that’s the sign, I am in need of more prayers.
“I don’t want to add to your burdens, I’ve read you admire my strength, that’s because I witnessed what our mom went through to prepare us, for life without her.
“I was 38 when she joined our maker. Bimb still needs more years to be ready for his lifelong responsibility of taking care of his kuya Josh. That’s why ang mama nila hindi pa puwedeng isuko ang laban.”
Kasama kami sa nananalangin na patuloy pa rin ang pakikipaglaban niya sa kanyang kalusugan.
Kakayanin, Kris!
Charlie, ramdam ang hirap sa industriya
Pagkatapos tanggapin ni Charlie Dizon ang best actor trophy ng asawa niyang si Carlo Aquino sa nakaraang 49th Gawad Urian, nakatsikahan namin siya muli sa launching ng bagong show na magsisimula na ngayong araw sa Bilyonaryo News Channel.
Ngayong Sabado ng 10 ng umaga magsisimula ang kauna-unahang skin transformation reality series na pinamagatang Kutis Reveal, hosted by Dr. Kei George Rebolledo ng Kutis By Kei.
Si Charlie ang isa sa brand ambassador nila kasama si McCoy de Leon.
Narinig kong pinag-uusapan nila ng ilang doctors na dumalo na gusto pala ni Charlie maging dermatologist. Gusto raw sana niyang i-pursue noon ang medicine at mag-specialize sa derma. Pero naging artista na siya.
Ibinahagi ni Charlie kung ano ang mga treatment na ginagawa sa kanya ng Kutis By Kei, kaya naman lagi siyang napupuri ng asawa niya. “In fairness ‘yung asawa ko talaga very generous siya sa compliments na ganyan.
“Everyday laging... ‘di ba kanina pagpunta ko dito, ‘ang ganda ng asawa ko.’ Ganun siya talaga. Pero feeling ko, inaaktingan niya ako parang ganun,” natatawa niyang pakli.
Pero kailangan naman talagang ma-maintain ang ganda ng isang artista dahil sa trabaho.
Napag-usapan nga namin ni Charlie ang trabaho na kahit siya naramdaman din niyang mahirap ngayon.
Marami na sa mga kilalang artista ang umaangal na hirap na silang makakuha ng regular show dahil nagtitipid ang production.
Hindi lang ang movie industry ang hilahod, kundi pati na rin ang telebisyon.
Ani Charlie, “Actually ang nangyayari sa industry ngayon na talagang nahihirapan po lahat, and totoong affected din po kami. Kasi siyempre halos lahat, discounted din. Parang ganun ‘yung pakiramdam. Parang hindi na kami nagde-demand na taasan o mag-increase pa ganyan. Kasi nga alam na hirap din po ‘yung industry talaga. Parang importante ngayon na magtulungan lahat.”
Kaya kung kinakailangang mag-adjust ng talent fee, gagawin nila. Basta ang mahalaga ay may trabaho. “Totoo. Ang importante may work din po ako. Kasi sa totoo lang, mas madami ang nakatengga din e. Kung wala talagang ginagawa.
“Mas nakakalungkot na ‘yung iba walang trabaho talaga ‘di ba? Sana mas makabawi rin ang industriya,” dagdag niyang pahayag.
Kaya ang ibang artista ay nasa content creation na o ‘di kaya’y nagla-live selling, dahil mas kumikita pa ngayon ang nasa social media. “Ganun na nga po ang takbo ngayon e na may sari-sariling content na rin. Ang hirap na po talagang mag-adjust sa totoo lang,” himutok ng Kapamilya actress.
- Latest




















