^

Bansa

VP Sara, dedma sa patawag ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
VP Sara, dedma sa patawag ng NBI
Vice President Sara Duterte arrives before the start of the impeachment trial at the Senate of the Philippines in Pasay, Metro Manila on July 7, 2026.
Noel Celis, pool / AFP

Sa ‘maleta’ ni Gracioso

MANILA, Philippines — Hindi dadalo si Vice President Sara Duterte sa itinakdang pagdinig ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Lunes, Oktubre 5, kaugnay ng mga alegasyong ibinunyag ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr.

Batay sa liham na ipinadala sa NBI at may petsang Oktubre 1, sinabi ng kampo ni Duterte na hindi siya makadadalo kasama ang kanyang mga abogado. Sa halip, hini­ling nila sa ahensiya na mabigyan muna sila ng kopya ng Sinum­paang Salaysay ni Gracioso at iba pang kaugnay na dokumento bago sila magsumite ng pahayag.

Ayon sa liham na naka-address kay NBI Director Melvin Matibag, binanggit sa paanyaya ng NBI na may kalakip itong kopya ng Sinumpaang Salaysay ni Gracioso, ngunit wala umano itong nakalakip nang matanggap nila ang liham.

Dahil dito, hiniling ng kampo ni Duterte ang kumpleto at malinaw na kopya ng Sinumpaang Salaysay ni Gracioso, kasama ang lahat ng kalakip at anumang ebidensyang isinumite nito.

“This will enable our client to intelligently prepare a reply thereto and/or take other appropriate action thereon,” dagdag pa sa liham.

Hiniling din ng kampo ng bise presidente na mabigyan sila ng sapat na panahon upang masuri ang mga dokumento at mailipat ang conference sa Oktubre 8, 2026, alas-10 ng umaga.

Nauna nang inimbitahan ng NBI si Duterte matapos ang alegasyon ni Gracioso na ilang beses umano siyang naghatid ng mga maleta ng pera na aabot sa mahigit P2 bilyon para kay Duterte sa utos umano ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with