Alden, ayaw nang magpa-impress

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan ang guesting ni Alden Richards sa Gandang Gabi Vice. Ayon sa Kapuso actor ay nagpakatotoo lamang siya sa kanyang mga tunay na nararamdaman kaya talagang napaiyak sa panayam ni Vice Ganda.
“This is my rawest interview, unfiltered. I’ve come to a point already at my age right now na wala na akong pakialam. It is what it is. I’m not trying to impress anyone anymore,” nakangiting pahayag ni Alden sa 24 Oras.
Labis na ikinagulat ng mga manonood ang pagiging emosyonal ng Kapuso actor sa naturang GGV guesting “’Yung iba nagsasabi na first time nila akong nakitang gano’n. Like all the emotions, parang open book, mas open pa sa open book ‘yung nakita nila. Wala na, hindi na ako nagpapa-impress,” giit ng Asia’s Multimedia Star.
Samantala, abala si Alden para sa taping ng Code Grey na malapit na ring mapanood sa GMA Network. Na-enjoy ng Kapuso actor ang pagganap bilang isang surgeon sa bagong Kapuso Prime medical drama series. “It’s gonna be a very beautiful show that I can assure you guys. I’m given the opportunity to work creatively with the whole team. Nakakatuwa na my inputs matter. Even Direk LA (Madridejos), the creatives would ask me, ‘Alden, okay ba saiyo ‘to?’” pagbabahagi ng binata.
Rayver, nag-astang manager kay Julie Anne
Naging calendar girl ng isang sikat na alak si Julie Anne San Jose noong nakaraang taon. Bilang nobyo ay hindi raw napigilan ni Rayver Cruz noon na halos bantayan ang ginawang photo shoot ng aktres. “Hindi ako seloso pero no’ng nag-pictorial siya, ‘di ko mapigilan. Maya’t maya tsini-check ko,” pagtatapat ni Rayver sa Your Honor.
Naging calendar girl o magazine cover din noon ang mga dating nobya ng Kapuso actor katulad nina Cristine Reyes at Janine Gutierrez. Aminado si Rayver na ngayon lamang siya may kakaibang naramdaman sa pagiging calendar girl ng kasintahan. “Doon ako natatawa, kasi sanay naman ako. Okay lang naman na sabihin. ‘Yung mga ex ko naman talaga, may mga gano’ng eksena. May mga magazine cover sila, pero no’ng kay Julie parang hindi ako sanay nakinukulit ko ‘yung handler. ‘Tingin naman ‘yung mga picture.’ Pag-send sa akin, binabaril ko, naging manager ako. ‘Parang masyado namang nakabuka dito.’ ‘Wala di naman ‘yan gagamitin,’” natatawang kwento ng aktor.
Inalam din umano ni Rayver kung ilang kalalakihan ang nakasama ni Julie Anne sa photo shoot noon. “’Ilan ‘yung boys diyan?’ Pero ayokong iparating sa kanya no’ng time na‘yon na nagsu-shoot siya. Kaya dumadaan ako sa handler kasi ayoko isipin na, ‘Ano ba naman ‘to?’ Ayoko rin kasi nanangingialam sa work,” paliwanag ng Kapuso actor. — Reports from JCC
- Latest

























