Carlos paldo na naman, dalawang singsing ang engagement kay Chloe!

Ahh sosyal, engaged na pala ang singer / content creator na si Chloe San Jose at two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo since December 2025.
Halos sabay silang nag-post kahapon, Lunes, September 28, kung saan ikinuwento nila ang ginawang paglilihim ng kanilang engagement sa loob ng halos nine months.
Sa nasabing post, sinabi ni Carlos na noon pa man ay pinaplano na niyang mag-propose kay Chloe - September 2025 - bago siya tumulak ng Japan para sa isang training camp.
Sinabi naman ni Chloe na napansin niyang may kakaiba sa kanyang karelasyon kung saan naalala raw niya kung paanong madalas itong hindi nakakatulog at nakatitig sa kanya.
Pero hindi naman daw pinagdudahan ng singer na may plano itong mag-propose dahil ang akala niya ay pupunta lang sila sa isang Christmas party noon. Na-realize lang ito ni Chloe nung nakarating sila sa venue at makita ang mga ilaw na ang concept ay maraming candle.
Nagbigay si Carlos ng dalawang engagement ring sa magiging misis noong mismong proposal.
Ipinaliwanag niya sa vlog na ito ang isa sa mga taong sumuporta sa kanya at sa paglalakbay sa pakapanalo ng dalawang gold medal sa 2024 Paris Olympics.
Caption ng Asian Games gold medalist din : “9 months ago… She said “Yes.”
“And all I can say and all I can feel, is that I am truly blessed.
“Blessed to love you.
“Blessed to be loved by you.
“Blessed to have you as my fiancé and, soon, as my forever.
“Mahal ko, pangako kong aalagaan, mamahalin, at poprotektahan kita sa lahat ng panahon. Sa hirap at ginhawa, sa saya at pagsubok, pipiliin kita araw-araw. At sa biyaya ng Diyos, makakasama kita hanggang sa buhay na walang hanggan
“Above all, we just want to thank you God for blessing us with this wonderful moment and for allowing us to experience a love that is guided by You. We’re so grateful that the Lord has always been with us through everything that happens in our lives, sa lahat ng pagsubok, saya, at bawat biyayang dumarating sa amin
“Thank You, Lord, for writing our story so beautifully and for being with us every step of the way. Here’s to our love, our faith, and forever together ”
Ang bongga ng venue kung saan lumuhod si Carlos na inayos ng sikat na designer na si Gideon Hermosa.
Sa kabila ng kaligayahan ng magkarelasyon, hindi pa rin nagkakaayos ang sikat na atleta at kanyang pamilya.
Anyway, pagkatapos ng panalo ni Carlos sa Asian Games nag-post din ito ng : “After everything we went through before and during the Asian Games, we came home to this surprise from our people, my CHOSEN family
“Thank You, Lord, for giving me people who went through the hard days with us, celebrate every victory with us, and never left our side. Salamat, Panginoon, sa pagpanalo Mo sa amin
“Thank you mahal ko @chloeanjeleigh sa pag share mo ng pamilya mo sa amin ni @karll_yulooo , for loving us, looking after us, and making us feel that we are never alone.”
Pero ang isang sure rito, paldo ulit siya sa nasabing dalawang medalya sa Asia Games na ginaganap pa sa Nagoya, Japan.
- Latest






















