Shellfish ban sa Biliran Island, inalis na

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na maaari na ulit kainin ang mga shellfish products mula sa baybayin ng Biliran Island.
Ito ay makaraang tanggalin na ang shellfish ban sa baybayin ng nasabing isla nang makita sa laboratory tests mula sa shellfish samples na ligtas na sa “red tide” ang mga shellfish products. Ligtas din umanong kainin ang alamang mula sa baybayin ng Biliran island.
Samantala, nananatili namang ipinaiiral ang shellfish ban sa Matarinao Bay sa Eastern Samar na kapapalooban ng mga baybayin ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani at Salcedo na positibo pa sa red tide ang naturang mga baybayin.
Dulot nito, bawal ang paghango, pagbebenta, pagbili at pagkain ng shellfish products mula sa Matarinao Bay.
Kapag nakain ang shellfish na may red tide, maaaring magsuka, sumakit ang kalamnan at magtae na maaaring maging sanhi ng kamatayan nito.
- Latest
























