^

Police Metro

Tricycle sinalpok ng trak: 6 patay

Tony Sandoval, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Tricycle sinalpok ng trak: 6 patay
File photo of Bajaj motorcycles.
STAR / File

MANILA, Philippines — Anim na katao ang nasawi kabilang ang tatlong menor de edad matapos na banggain ng trak ang kanilang sinasakyang tuk-tuk tri­cycle na kalaunan ay nasunog pa kahapon ng madaling araw sa highway na sakop ng Barangay Canda Ilaya, Lopez, Quezon.

Namatay agad sa pinangyarihan ng aksidente sina Cheska Brin Jucares, 28, may-asawa ng Sta. Cruz, Antipolo City; alyas Jasper, minor; alyas Jarid, minor; Riza Brin, 25 ng Brgy. Dela Paz, Antipolo, Rizal habang sa ospital naman nalagutan ng hininga sina Jaymar Orolfo Lunas; at alyas Julia, na isang minor.

Habang nilalapatan ng Luna’s sa Lopez District Hospital dahil sa mga tinamong sugat at pagkasunog ng iba’t ibang parte ng katawan sina Leopoldo Revilla Brin, 57, at isa pang minor na si alyas Janella.

Ayon kay PLt. Col. Dandy Aguilar, chief of police sa bayang ito, alas-2:10 ng madaling araw ay sakay ang mga biktima sa isang tricycle (Bajaj) tuk-tuk na minamaneho ni Julius Brin at binabagtas ang kahabaan ng Maharlika highway patungo sa direksyon ng Bicol Region nang banggain sila sa likuran ng sumusunod sa kanilang Fuso Truck na minamaneho ni Ernesto Alberto, 51 ng Hagonoy, Bulacan.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ng ilang metro ang tuk-tuk at tumama sa paparating na Yutong Bus na minamaneho ni Amor Pedragoza ng Antipolo City at kinalaunan ay nagliyab at nasunog na dagliang ikinamatay ng apat na biktima.

Mabilis namang naisugod sa ospital ang iba pang mga biktima na kinalaunan ay ikinamatay ng dalawa pa sa kanila.

Nakapiit na sa municipal jail ang tsuper ng trak at nahaharap sa patung-patong na reklamo.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with