Laure tiwalang makakabalik si Poyos
MANILA, Philippines — Tiwala si dating queen Tigress Eya Laure na kaya ng University of Santo Tomas na makipagsabayan kahit wala ang top scorer na si Angge Poyos.
Malaki ang posibilidad na hindi makalaro si Poyos matapos itong magtamo ng injury sa Game 1 ng UAAP Season 86 women’s volleyball championship series ng UST at National University noong Sabado.
Namamaga ang kanang paa ni Poyos na mangangailangan ng ilang araw na pahinga bago muling bumalik sa 100 porsiyentong kundisyon.
Personal na nasaksihan ni Laure ang nangyari kay Poyos.
At nagbalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kanya noong Season 81 kung saan nagtamo rin ito ng injury sa finals.
Umaasa si Laure na mabilis na makakarekober si Poyos para makabalik agad ito sa krusyal na Game Two bukas.
- Latest