^

Entertainment

‘Of Poops & Hoops’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

Ang maghanap ng iba pang mga salita

Sa loob ng isang salita’y laging gawa,

‘Di na maalala kung kailan nagsimula,

Hanggang ngayon nga at naging “sakit” na yata.

 

I’m proud s’yempre at ipinagpapasalamat —

Title na “Eat Bulaga” ako ang sumulat,

Ngunit nung April 24 ako ay nagulat

Nang sa letters n’ya meron pa ‘kong nahalungkat!

 

After almost 34 years ay ngayon lang ba

Napunang kapag pinaghalo-halo letra,

Nandun ang dalawang pinakamahalaga

Sa ating tanghalian — ang TABLE at AGUA!

 

At may something in common daw ang “Showtime” at “Eat,”

Alam n’yo na pag binasa EAT ng pabalik,

At pag letters nila ang pinagpalit-palit,

Ang mapupulot ay kalat ng pusa — MEOW SH_ _!

 

Ops, hindi ba cute kaya walang magagalit,

Lucky nga daw pag tungkol sa “PUPU” sumabit,

Sa mga “straight” ‘di ito humor na “pang-toilet,”

I deserve applause… ‘di n’yo ito maiisip!

 

But wait there’s more at bigla kong naalala,

Baka lang magtampo’t meron pa palang isa,

At baka sabihin bakit s’ya pinupwera

At ‘di sinama sa parada sa kubeta!

 

Kunsabagay naman kapag ating kinuha

Tatlong letra na “E-A-T” at isinama

Mga initials nung palabas pang dalawa

At irambol… voila! WASTE magiging resulta!

 

O paano eh di everybody happy na,

Pero teka lang at pwede ring SWEAT nga pala

At pawis din ang pinupuhunan talaga

Ng mga daily shows magbigay lang ng saya!

 

At pawis ko isang araw ay tumagaktak

Nang biglang maisip na mag-ayos ng kalat

At hindi inaasahang aking mabuklat

Ang isang bagay sa aki’y lubhang gumulat.

 

Para bang si Magellan nang makita Pinas;

Tila ba natagpuan ang nawawalang anak,

Animo’y nakahukay ng gintong alahas;

Biglang tumama sa lotto at naka-jackpot!

 

Orig na definition aking nadiskubre —

Definition of condom ni Kumpareng Jimmy,

Of course The Jimmy Santos, ang The One and Only!

Eto kanyang sinabi nung 1993:

 

“WELL, A CONDOM IS A THING THAT

YOU PUT IN YOUR UTENSIL SO THAT

 THE COME OUT WILL NOT COME IN!”

 

Supot, este suppose ‘yan na lang topic ngayon,

Let’s talk about condom na lang sa aking column

Kahit ako’y member ng MANIAC Association —

MANIAC — Mga Ayaw Na Isuot Ang Condom!

 

May ibang tawag pa pala itong kapote,

“SLIP DISC JOCKEY” din sa iba si kamote,

It looks like a DISC din daw si rubber boy kasi

And you SLIP it to something inside your JOCKEY!

 

Ang briefs ay makikita sa gitna ng tao

At Calvin Klein o CK ang gamit ko you know,

Pag nilagay ang “CK” sa gitna ng name ko,

Ngek! Alam n’yo bang nagiging JOCKEY na ito?!

 

He, he, he… back to condom tayo at may kwento —

May isang epal na takot sa sakit kuno

At birada sa kaibigan n’ya ay ito,

“Tatlong patong na condom kaya gamitin ko?!”

 

Banat pa’y magbabaon ng isang dosena

At apat na chikas daw ang nakahilera,

Hirit tuloy ng kumpare n’ya, “Tumigil ka

At isang patong lang naman ang iyong kaya!”

 

Pag nabuntis ang mayaman ay nalimutan

Magsuot ng condom ni mister ang dahilan,

At pag mahirap naman ang nagkabuntisan,

Misis, nalimutang magsuot ng daster lang!

 

Condom pala’y may problemang dulot din ito —

Nabubutasan at pumuputok din kuno,

Kung kaya nga simple lang ang solusyon dito —

‘Wag na lang bumutas at pumutok ang tao!

 

At sa nagtatanong kailan dapat isuot

Itong gomang hula hoop sa tuktok ni King Tut,

Walang problema ‘yan tingin ko ke hard or soft,

Basta lang hindi hard-to-get ‘yung girl… sige, shoot!

 

Ano mas malala sa mahuli ni misis

Si mister na may condom sa loob ng pocket?

O eh di noong si mister na ay magbihis,

May suot pang condom ito at bagong gamit!

vuukle comment

ALAM

CALVIN KLEIN

CONDOM

EAT BULAGA

JIMMY SANTOS

KING TUT

LANG

MGA AYAW NA ISUOT ANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with