^

Entertainment

'Romanticeptic'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Pinik-up n’yo man o hindi aking sinulat

Sa sulok na ‘to nung Linggo, “Pick Up or Pack Up”,

O pag-pick pa ng ilong ang mas masarap?

Well, eto pa... sa mga baga n’yoy isaksak!

 

“Sana saging ka na lang,” ang seryong bulalas

Ng lalaki sa maganda at sexy n’yang crush,

Chick nag-blush... nagtanong kung bakit with, “Oh my gosh!”

Boy:“Para matalupan kita madalas.”

 

Namulang parang banana cue si girl dito,

Kaya si pogi sinamantala na ito,

Killer instinct baga; “Kill ‘em dead!” kanyang motto,

Boy:“Sana saging ka na lang ng banana cue.”

 

Ito namang si seksi sagot din nang sagot

At why din nang why kay pareng mga pa-sweet talk,

Sa sagot ni Lover Boy s’ya ay napalunok,

“Para sa ganon lagi kitang natutusok!”

 

Ngunit ang babae ay hindi nagpatalo

Sa boladas ni pare ay bumwelta ito,

Say ng girl, “Sana ay kawali na lang ako

Kung saan ipiniprito ang banana cue.”

Natural na-intriga naman ating pabling,

Kung kaya kay seksi nagtanong kung bakit din,

At sa sagot ng chick hindi n’ya akalain,

“Para lahat ng saging n’yo sa ‘kiy mag-swimming.”

 

Ngek! Nakatagpo ng katapat si kumpare,

Lalake talaga malakas lang abante,

Pero pag matagalan na’t less na energy,

Pinagyayabang na saging nangangamote!

 

Pick-up jokes na ‘yan siguro mga kasama,

Malamang ngayon kayo ay tawa nang tawa,

At maaari ding hindi n’yo napupuna

Na “doble sentido” ang kanyang pakwela.

 

 Paikot-ikot lang ‘yan pagdating komedya,

Pinaka-simple ay laro ng bokadura

At pag dito ay hindi ka pa rin nakuha,

Sunod na d’yay pukpukan sa ulo ng lata!

 

At alam n’yo naman siguro mga darling

Na mas madaling magpatawa kung gagawin

Mo lamang ay tapakan ang balat ng saging

Kaysa tungkol lang sa saging ang iisipin.

 

Kung nais n’yo ng isang “may pinag-aralan;”

Educational kuno’t tungkol paaralan,

Nang sa kabalahuraan malihis naman,

Manunumbalik dito ilang nakaraan.

 

Sabi ng estudyante sa seksing nilalang,

“Eh sana ay isang kodigo ka na lamang

Para lagi kitang nasisilip-silipan,

And most of all... lagi kitang nauupuan.”

 

Karaniwan sa pick-up jokes ay romantiko,

Madalas sa babae inaalay ito,

Tigib ng pag-asa ang pagse-set up nito,

Masisira ulo mo pagdating sa dulo!

 

Pinaka-romanticeptic line ay narito —

“Oh my love, sana ay septic tank na lang ako,”

At pag tanong ng babae kung ba’t ganito,

“Gusto ko nang makuha ‘OO’ mo!” Gets n’yo?

 

Toilet humor na kung toilet humor oo na,

Pero amining hindi maiisip basta

Ng kung sinong cum laude, magna at summa pa,

Much higher pa dapat... kinahulugan ‘di ba?

vuukle comment

KUNG

LANG

LOVER BOY

LSQUO

PACK UP

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with