^

Dr. Love

 ‘Di makatulog  dahil sa utang

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lamang po akong Lito. Hindi na po ako makatulog nang maayos dahil sa mabigat na problemang kinakaharap ko—ang aking mga bayarin sa credit card.

Nagsimula ito noong gumamit ako ng card para sa mga hindi inaasahang gastusin sa bahay at emergency. Akala ko ay kayang-kaya ko itong hulugan buwan-buwan. Pero sa patuloy na pagtaas ng interes at iba pang gastusin, minimum amount due na lang ang nakakayanan kong bayaran. Dahil dito, sa halip na mabawasan, lalo pang lumalobo at naiipon ang aking utang. Pakiramdam ko po ay nakakulong ako sa isang siklo ng utang na hindi ko na matakasan, at nahihiya rin ako sa aking pamil-ya. Paano ko po ba dapat harapin ang ganitong sitwasyon nang hindi nasisira ang aking kalusugan at ang aking pamilya?

Lito

Dear Lito,

Huwag mong masyadong papagurin ang iyong sarili. Ang pag-amin na kailangan mo ng tulong ang unang hakbang. Tandaan mo na may solusyon ang problema sa pera, habang ang kalusugan at pamilya mo ay hindi napapalitan. Ang payo ko, magpakatotoo ka sa iyong pamilya. Umupo kayo at ipaliwanag ang sitwasyon. Mas mada-ling harapin ang pro-blema kung may pagtutulungan at pagtitipid na magmumula sa buong pamilya.

Kausapin ang bangko. Magtanong tungkol sa Debt Restructuring Program para ma-
ging fixed monthly ins-tallment ng utang sa mas mababang interes. Huwag mo na gamitin ang credit card at gumastos ayon sa cash na hawak mo. 

Disiplinahin ang sarili, unahin ang mga pangunahing panga-ngailangan at iukol ang anumang matitipid sa pagbabayad ng utang. Higit sa lahat, pangalagaan mo ang iyong sarili. Ang utang ay sitwasyon lamang at hindi ang kabuuan ng iyong pagkatao. Unti-untiin mo lang at makakaahon ka rin.

DR. LOVE

 

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with