^

Dr. Love

Dudangera

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Jelay. Mahirap kapag pogi ang asawa. Ang mali ko, lagi akong nakikinig sa mama ko na bantayan ko ang asawa ko. Kakabuyo niya, lagi ko tuloy pinag-iisipan ng masama ang asawa ko. 

Kapag nagbibihis pa lang siya, duda agad ako kung saan pupunta lalo ka kapag araw ng Sabado at Linggo. Kahit magsisimba, akala ko may lakad siyang iba. 

Hindi naman ako pala sigaw pero ‘yun lagi ang pinagsisimulan ng hindi namin pagkakaunawaan. Masyado raw akong dudangera. Hindi nga raw ako madada pero lagi naman akong tanong nang tanong. 

Kapag naiirita na siya, minsan tumatahimik lang ako. Gawain nga raw ng mga lalaki ang mambabae. Pero wala naman akong nahuhuling sikreto n’ya. May budget din siyang ibinibigay, minsan nga sobra pa para sa mga bata. 

Tumatawag siya at nagtsa-chat kapag maaantala ang uwi niya.  Isa lang talaga ang kinakainis ko, medyo nagseselos ako nang makita ko ang picture niya kasama ang boss niyang babae, nasa company planning sa isang resort, nag-iinuman. Nanggagalaiti na ako. Pero naiisip ko na baka sa kakaduda ko ay totohanin na ng mister ko ang magloko. 

Jelay

Dear Jelay, 

Ang isang mabuting asawa ay sumusuporta sa kanyang mister. Kaysa magduda ka nang magduda, mag-focus ka sa pagsisilbi sa mister mo. Kapag nakikita niyang tinutulungan mo siya, lalo siyang gaganahan at inspired magtrabaho. 

Hindi naman basta-basta nagloloko ang isang lalaki kung nakikita niyang maasikaso ang misis niya. 

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with