^

Dr. Love

Dilemma ng disgrasyada

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong disgrasyadang dalaga. Nagkaanak kami ng dati kong boyfriend na isang seaman. At dahil sa inakala kong nawala na lang siya nang parang bula ay nakisama ako sa ibang lalaki na nakahandang bigyan ng pangalan ang aking anak.

Pasakay na noon ng barko si Rusty nang malaman kong buntis ako. Nangako naman siya na hindi magpapabaya sa sustento para sa aking panganganak. Noong una ay maayos ang a­ming komunikasyon pero unti-unti itong dumalang hanggang wala na akong natatanggap na sulat na galing sa kanya.

Sobrang nadismaya ang aking mga magulang. Pakiramdam ko, sa araw-araw ay masama ang loob ng aking ina dahil buntis ako at walang ama. Kaya nang magpakita ng interes ang bago kong boyfriend ngayon ay hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin siya.

Ang problema po ay nakatanggap muli ako ng sulat kay Rusty at ipinaliwanag niyang kasama siya sa nakidnap ng mga rebelde at ginawang bihag.

Uuwi na raw siya at gusto niyang makita ang aming anak. Hiniling niyang madala ang bata sa kanyang mga magulang para makita ang kanilang apo. Sinabi ko po ito sa aking boyfriend at nagseselos siya. Pero nasa akin daw ang hu­ling desisyon.

Ngayon po ay nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng boyfriend ko dahil sa pagbabalik ng ex ko. Sinabi ko naman sa kanya na pagkatiwalaan niya ako. May karapatan ba siyang magselos sa ama ng aking anak? Hihintayin ko po ang payo ninyo sa akin.

Gumagalang,

Bernadette

Dear Bernadette,

Meron dahil may relasyon kayo at ang katotohanan na minahal mo rin ang ex mo dati ay nagbibigay ng pangamba sa kanya, na magkabalikan kayo at maitsapwera na siya. Kaya ang mabuti pa sa lalong madaling panahon ay kapain mo ang iyong damdamin kung sino sa kanila ang mas matimbang. At saka ka magdesisyon, para wala kang pagsisisihan sa huli.

DR. LOVE

vuukle comment

ACIRC

AKING

AKO

ANG

BERNADETTE

DEAR BERNADETTE

DR. LOVE

KAYA

SINABI

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with