^

Dr. Love

Magsabi ng totoo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana po ay huwag n’yo nang banggitin ang aking totoong pangalan. Ikubli na lang ako sa alyas na Rubyrose.

Ang problema ko ay ang pagtataksil ko sa aking asawa. Bago ang aking mister ay may naging boyfriend ako. Isang taon ding tumagal ang aming relasyon.

Nag-asawa ako at natira kami sa Amerika nang 3 taon. Pagkatapos noon ay nagbalik kami sa Pilipinas.

Mayroon na kaming dalawang anak. Doon muling nagkrus ang landas namin ng ex-boyfriend ko. Naramdaman ko na naroroon pa rin ang pag-ibig ko sa kanya.

Hindi na ako nakatutol nang yayain akong magmotel. Naulit ang mga pangyayaring iyon hindi lang minsan, makalawa o makatlong ulit.

Hanggang maramdaman kong may dinadala ako sa sinapupunan ko. Hindi ko masiguro kung sa mister ko o sa boyfriend ko ang dinadala ko. Tuwang-tuwa naman ang aking mister.

Ang ipinapangamba ko ay maitim ang aking mister at morena ako. Ang boyfriend ko ay half German. Hindi na rin ako nakikipagtagpo sa boyfriend ko.

Ano ang gagawin ko sakaling mapansin ng asawa ko na mestiso ang aming magiging anak?

Rubyrose

 

Dear Rubyrose,

Magtapat ka ng katotohanan sa asawa mo at humingi ng tawad. Masasaktan siya pero iyan ang pinakamarapat mong gawin.

Puwede ka niyang patawarin kaya ihanda mo ang sarili mo sa magiging reaksyon niya.

Lahat naman ng tao ay nagkakamali at ibig ng Diyos na magpatawaran tayo sa ating mga pagkakasala.

Ngayon pa lang ay ihanda mo na ang sarili mo. Ipagtapat mo na nagkasala ka at hingin mo ang patawad niya.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AMERIKA

ANO

DEAR RUBYROSE

DIYOS

DR. LOVE

HANGGANG

IKUBLI

IPAGTAPAT

RUBYROSE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with