^

Dr. Love

May text message ang ex-gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang akala ko, nakatagpo na ako ng isang perfect ideal man na nagmamahal sa akin ng totoo at ako ay kanyang pakakasalan.

Noong una, mapagbigay siya sa akin at hindi niya pinapatulan ang aking mga pagseselos na siyang lagi naming pinag-aawayan.

Alam ko naman na bago ako nagkarelasyon kay Eddie, mayroon pa siyang ibang naging girlfriend. Kaya na-insecure ako. Naging de­manding.

Kahit kami ay laging nag-aaway, nagkaka­sundo naman uli kami. Ako lagi ang siyang umaamo sa kanya kaya nagkakabalikan uli.

Pero ang huli naming pag-aaway na nauwi sa pananampal niya sa akin ang pinal na pagsubok marahil sa tatag ng aming relasyon. Ayaw na niyang sagutin ang mga tawag ko ng pakiki­pagbati.

Ang dahilan ng aming sigalot ay ang pagkakakita ko sa kanyang cellphone ng text message ng isang dati niyang nobya. Ang nakalagay sa mensahe ay ang oras at lugar ng kanilang pagtatagpo.

Tulad nang dati, sinita ko si Eddie sa natuklasan kong kataksilan niya. Nagalit siya sa akin, hindi lang sa pagkakabuko kundi pinakikialaman ko raw ang kanyang pribadong mga komunikasyon.

Bagaman bistado ko na ang bf ko, ako pa rin ang hindi makatiis at muli ko siyang inaamo. Pero ayaw na niyang tugunin ang mga tawag ko. Ano po kaya ang mabuti kong gawin para siya ay bumalik sa akin? Mahal na mahal ko po si Eddie kahit siya ay hindi tapat sa akin.

Gumagalang,

Shiela

Dear Shiela,

Hindi masasabing relasyon ang isang pakikipag-ugnayan kung iisang tao lamang ang nagmamalasakit ng tapat dito. Dahil kailangan both party. Sa simula pa lang kamo ay hindi naging tapat ang boyfriend mo, there for I don’t see any reason para sayangin mo ang buhay mo sa gaya niya.

Sa pagmamahal na ibinibigay mo, you deserve a better person. Huwag mo siyang panghinayangan dahil natitiyak kong mas magiging malala pa ang sitwasyon ninyo kung patuloy mong hahayaan ang sarili mo sa kamay niya.

Dr. Love

 

vuukle comment

AKIN

AKO

ALAM

ANO

DEAR SHIELA

DR. LOVE

EDDIE

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with