^

Dr. Love

Ikinahiya ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko po sukat akalain na mayroon palang ama na ikinahihiya ang may kapansanang anak dahil nakakaapekto ito sa kanyang ego.

Ito po ang ipinalalagay kong dahilan kung bakit iniwan kami ni Deo at nagpasyang sumunod sa kanyang ina sa State. Mayroong down syndrome ang anak naming panganay.

Ayaw niyang bumalikat sa pagpapalaki ng isang bata na mayroong ganitong problema sa kalu­sugan. Parang nakulangan ang kanyang pagka­la­laki sa pagkakaroon ng isang anak na may de­pekto hindi lang sa hitsura kundi mahina ang kakayahan sa isip.

Inaapura niya akong magkaroon na ng kasunod si Rod pero ayaw ko pa uli dahil mahahati ang aking atensiyon at  pagbubuhos ng pag-aalaga sa aming panganay.

Kailangan kakong magpalipas muna kami ng ilang taon para hindi mapabayaan si Rod. Hindi sa ayaw kong masundan ng baby ang aming pa­nganay. Gusto ko munang tutukan ang pagpa­palaki kay Rod.

Naghahanap pa si Deo ng trabaho para matustusan ang arawan naming pangangailangan kaya hindi makapagpadala agad ng sustento.

Bagaman wala pa kaming pormal na pagka­kanya-kanyang buhay, may suspetsa ako na
da­­rating ang panahon na tuluyan na niya kaming iiwan. Ano po sa palagay ninyo? Dapat ko pa bang asahan na babalikan niya kami? Madalang siyang sumulat ni tumawag.

Maraming salamat po at hihintayin ko ang sagot at ang mahalaga ninyong payo.

Gumagalang,

Lany

Dear Lany,

Bigyan mo pa ng sapat na panahong makapag-isip ang iyong asawa, marahil naghalo-halo lamang sa kanyang isip ang matinding pagsubok ninyong mag-asawa sa pagiging magulang ng ispesyal na anak. Bukod pa dito ang pag-iisip kung paano tutugunin sa lalong madaling panahon ang pangangailangan ng bata dahil wala pa siyang trabaho.

Sa pagkakataong ito, ibayong katatagan ang ipamalas mo, hindi lamang para sa iyong anak kundi maging sa naguguluhan mong asawa. Huwag mo rin kalimutan na ipagdasal lagi ang inyong mag-anak. Dahil sa bawat kahinaan, napatutu­nayan kung gaano kamakapangyarihan ang ating Lumikha.

Dr. Love

 

vuukle comment

ANAK

ANO

AYAW

BAGAMAN

BIGYAN

DEAR LANY

DEO

DR. LOVE

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with