^

Dr. Love

May asawa na ang boyfriend

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Sana po ay matulungan n’yo ako sa aking mabigat na problema.

Cynthia na lang ang itawag mo sa akin. Ako ay 21 anyos at may boyfriend. Ang relasyon naming ay 5-months na at mahal na mahal ko siya.

Pero nalaman ko na may asawa na pala siya. Sinasabi sa akin ng aking kaibigan na nakakuha ng family picture nila.

Hindi ko isinumbat sa kanya ang nalaman ko. Natatakot kasi ako na tuluyan siyang ma­wala sa buhay ko. Hindi ko makakaya na ma­wala siya, Dr. Love.

Sa tuwing nagkikita kami ay tinatanong niya ako kung bakit malungkot ako. Nagdadahilan na lang ako.

Ano ang dapat kong gawin Dr. Love?

Cynthia

Dear Cynthia,

Isang bagay lang ang puwede mong gawin. Makipag-break ka sa kanya.

Bakit ka ba nahihibang sa lalaking iyan na may asawa na pala biniktima ka pa? Imbes mahalin, dapat magalit ka sa kanya.

Kung gagamitin mo ang isip mo at hindi puro puso, ang pinakamatalinong magagawa mo ay iwanan ang lalaking iyan. O baka may nangyari na sa inyo kaya ganyan na lang ang paghahabol mo? Sana wala pa.

At bago may mangyaring mas malala, iwanan mo na siya.

Dr. Love

AKO

ANO

BAKIT

DEAR CYNTHIA

DR. LOVE

IMBES

ISANG

MAKIPAG

NAGDADAHILAN

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with