^

Dr. Love

Gusto ng makakasama habambuhay

-
Dear Dr. Love,

Bago ang lahat ay nais ko munang batiin ang lahat ng mga taga-PSN. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Tawagin na lamang po ninyo akong Ms. Cancer. Matagal na po akong tagasubaybay ng inyong column at marami na po akong nabasa sa column ninyo na natulungan ninyo. Sana ay ganoon din po ako. Ako po ay isang dalaga, 35-anyos, may magandang trabaho. May itsura naman po akong maipagmamalaki. Sana po ay matulungan ninyo akong makahanap ng makakasama sa habambuhay. Gusto ko na po kasing magkaroon ng asawa at magkaroon ng sariling pamilya. Umabot po ako sa ganitong edad na hindi pa nag-aasawa dahil minsan na akong nagmahal pero niloko ako. Kung ugali naman po ang pag-uusapan ay mabait naman akong tao, hindi naman po sa pagbubuhat ng bangko.

Sana po ay matulungan ninyo ako. Maaari po akong tawagan sa tel. bilang 640-9529 mula alas-6 ng gabi dahil alas-5 po ng hapon ang labas ko ng opisina. Mayroon din po akong cellphone number at ito ay 0917-3387804.

Marami pong salamat sa inyo Dr. Love, sa pagbibigay ninyo ng panahon sa aking sulat.

Miss Cancer


Dear Miss Cancer,


Sana sa pamamagitan ng pitak na ito ay maganap ang nais mo–ang makahanap ng makakasama sa habambuhay. Paalala lang. Sana ay mag-ingat ka sa mga lalaking makikilala mo at maging wise sa pagpili ng makakasama sa habambuhay para hind na muling mangyari pa ang naganap sa iyong kasawian sa pag-ibig. Nasa edad ka na naman at alam kong alam mo kung paano kumilatis ng mga lalaking tapat at yaong mga manloloko. Good luck and God bless. Balitaan mo ako kapag nakahanap ka na ng iyong ideal man.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AKONG

BALITAAN

DEAR MISS CANCER

DR. LOVE

MAAARI

MARAMI

MISS CANCER

MS. CANCER

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with