^

Dr. Love

Sulat para kay George Guerrero

-
Dear Dr. Love,

This is the first time I’ve written a newspaper column. I wrote this letter, Dr. Love, for Jeorge at sana ay mapagbigyan mo akong masabi ko ang nais kong sabihin sa kanya.

Jeorge, naiyak ako nang mabasa ang sulat mo kay Dr. Love. Nanghihinayang din ako kasi hindi ka dapat nandiyan sa kulungan dahil wala ka namang kasalanan. Alam kong marami kayo diyan na ganyan ang sitwasyon. Ang masasabi ko lang ay magpakatatag ka at mag-aral nang mabuti diyan para kapag nakalabas ka na ay mayroon kang mapapasukang trabaho.

Higit sa lahat ay manalig ka sa Panginoon. Naniniwala ako na makakamit mo rin ang katarungan balang araw. Huwag na huwag kang mag-iisip ng hindi maganda at maging mabuti kang kaibigan sa mga kasama mo diyan.

Alam mo Jeorge, balang araw ay makikita mo at madarama ang pagmamahal na naging mailap sa iyo. Hindi pa huli ang lahat.

At huwag ka ring magtatampo sa iyong pamilya kung hindi ka nila nadadalaw. Hindi ibig sabihin niyon ay hindi ka nila mahal o nalimutan ka na nila. Hinding-hindi mangyayari iyon.

Mahalin mo ang sarili mo, Jeorge. Ingat lagi at good luck.

Ang iyong kaibigan,

Ms. Scorpio Girl of Cavite


Dear Ms. Scorpio,

Iniklian ko na lamang ang sulat mo pero lahat naman ng mahahalagang mensahe mo ay inilagay ko at sana ay mabasa ito ni Jeorge. Alam mo, ang dami-dami nating mga kababayan na nakakulong sa pambansang piitan ang suki ng pahayagang ito at talaga namang dagsa ang natatanggap naming sulat mula sa kanila na nagkukuwento ng kanilang buhay at ang marami ay umaasang makakahanap ng mga kaibigan sa panulat.

Nagpapasalamat din ang column na ito sa aming mga mambabasa na gumugugol ng kanilang oras para masulatan ang ating mga kababayang nakakulong. Malaking tulong ang inyong mga sulat para maibsan ang kanilang nadaramang kalungkutan.

Ukol sa tanong mo kung ako ang Dr. Love sa radyo, hindi ako iyon. Dito lamang sa pahayagang ito ako nagsusulat. Marami ring salamat sa magaganda mong mga sinabi sa aming pahayagan. Asahan mong higit pa naming pagbubutihin ang aming mga trabaho para mabigyan kayo ng mahusay na pahayagan.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

ASAHAN

DITO

DR. LOVE

JEORGE

MS. SCORPIO

MS. SCORPIO GIRL OF CAVITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with