^

Dr. Love

Korek ka d’yan Sweet Angel

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you and all the staff of PSN. I’m Sweet Angel, 18 years-old. After graduation, I went to Compex, Sta. Rosa, Laguna to work. This is where I met Mr. Virgo.

Noong una ay very sweet siya sa akin. After a month ng panliligaw, sinagot ko siya. Akala ko ay wala nang katapusan ang kaligayahang aking nadarama. Hindi ko sukat akalain na may iba pa pala siyang girlfriend maliban sa akin.

Nasaktan ako sa nalaman kong panlolokong ginawa niya sa akin. Simula noon ay nagbago na ang takbo ng relationship namin. Nakipag-break ako sa kanya. Noong una ay hindi ko matanggap ngunit sa pamamagitan ni Mr. M. ay madali kong natanggap ang lahat.

Ngayon ay two months na kaming mag-on ni Mr. M. Napakabait at napakamaalalahanin niya. Lumalabas kami kapag day-off niya, namamasyal. Napakasaya ko kapag magkasama kami. Wala na akong hahanapin pa sa isang katulad niya.

Minsan ay nagkita kami ni Mr. Virgo at gusto niyang mag-usap kami kahit sandali. Pinagbigyan ko siya. Mahal pa rin daw niya ako at humingi siya ng tawad. Pinatawad ko naman siya pero sinabi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman para hindi na siya umasa pa. Sinabi ko rin sa kanya na masayang-masaya na ako sa piling ng bago kong boyfriend na si Mr M.

Tama po ba ang ginagawa namin ni Mr. M. na huwag na lang siyang pansinin? Tama rin po ba ang ginawa kong pagtatapat kay Mr. Virgo para hindi na siya umasa pa?

Umaasa at naghihintay ng inyong payo. Sweet Angel


Dear Sweet Angel,


Ang taong nagsasabi nang tapat, kailan man ay hindi nagkakamali. Kaya tumpak ang ginawa mo.

Maaaring masakit ito para sa kanya pero ganyan ang buhay. Hindi lamang pulos ligaya kundi may sakit paminsan-minsan na dapat tiisin.

Kung maligaya ka sa piling ng bago mong boyfriend, walang dahilan para balikan mo ang dati mong kasintahang di naging tapat sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

COMPEX

DEAR SWEET ANGEL

DR. LOVE

MR M

MR. M

MR. VIRGO

NOONG

SIYA

SWEET ANGEL

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with