Mag-ipon bilang pamilya
Dear Dr. Love,
Gusto ko lang ibahagi ang simpleng paraan namin ng aking asawa para mas mapatibay ang aming pagsasama. Napagkasunduan naming mag-ipon nang paunti-unti sa buong taon para pagsapit ng year-end ay makapag-travel kaming tatlo kasama ang aming nag-iisang anak.
Sa halip na gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangang bilhin, mas pinipili naming magtabi ng pera kada sweldo. Hindi man kalakihan ang aming ipon, masaya kami dahil alam naming may pinaghahandaan kami bilang pamilya. Para sa amin, hindi lang ito tungkol sa pamamasyal kundi pagkakataon ding makabuo ng masasayang alaala kasama ang aming anak.
Dr. Love, tama po ba ang ganitong paraan ng pag-iipon? Paano po namin masisigurong matutupad ang aming planong bakasyon nang hindi naaapektuhan ang aming pang-araw-araw na gastusin at iba pang pangangailangan ng pamilya?
Maraming salamat po sa inyong payo.
Arnold
Dear Arnold,
Tama ang ginagawa ninyo. Ang pag-iipon bilang mag-asawa ay hindi lamang paghahanda para sa isang bakasyon, kundi patunay rin ng pagtutulungan, disiplina, at pagkakaisa sa pag-abot ng pangarap para sa pamilya.
Maganda ang inyong planong maglakbay kasama ang inyong anak sa pagtatapos ng taon. Tandaan lamang na unahin ang mahahalagang bayarin, emergency fund, at pang-araw-araw na pangangaila-ngan bago maglaan ng budget para sa pamamasyal.
Hindi kailangang magarbo o magastos ang biyahe; ang maha-laga ay masaya kayong magkakasama.
Dahil sa huli, mas mahalaga ang mga sanda-ling magkakasama kayo kaysa sa mga bagay na nabibili ng pera.
Kaya mag-ipon nang may disiplina, gumastos nang may pananagutan, at maglakbay nang may pasasalamat.
DR. LOVE
- Latest




















