^

Dr. Love

Ayaw sumuko, pero ayaw rin umasa

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po! Ako po si Mark, 29-anyos, at may babae na matagal ko nang nililigawan. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako sinasagot.

Minsan, parang may pag-asa dahil natutuwa siya sa mga ginagawa ko, pero may pagkakataon din na hindi ko maramdaman kung interesado ba talaga siya sa akin. Ngayong papalapit na ang Pasko, umaasa ako na sana ay mabigyan na niya ako ng kasagutan. Pangarap ko kasing makasama siya sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, hindi na bilang manliligaw kundi bilang taong espesyal sa kanyang buhay.

Dr. Love, dapat pa ba akong maghintay o panahon na para tanggapin na baka hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay ko? Ayoko namang sumuko agad, pero ayoko ring umasa sa wala.

Maraming salamat po sa inyong payo.

Mark

 

Dear Mark,

Walang masama sa paghihintay kung tunay ang iyong nararamdaman. Pero tandaan mo na hindi sapat ang pagmamahal ng isang tao para mabuo ang isang relasyon; kailangan din ang kusang pagmamahal at pagpili ng kabilang panig.

Kausapin mo siya nang tapat at mahinahon. Sabihin mo ang iyong intensiyon at bigyan siya ng pagkakataong linawin ang kanyang nararamdaman.

Kung hindi ka pa niya kayang sagutin, igalang mo ang kanyang desisyon, pero huwag mong kalimutang paha-lagahan ang iyong sarili.

Tandaan mo, Mark ang tunay na pagmamahal ay marunong maghintay, pero maru-nong ding tumanggap kapag hindi na ito ka-yang suklian.

Sa Paskong ito, anuman ang maging sagot niya, piliin mong panatilihin ang pag-asa nang hindi isinasakripisyo ang iyong dignidad at kapa-yapaan ng puso.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with