^

Dr. Love

Pinipilit magretiro

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawang taon na mula nang magretiro ang mister ko bilang seaman. Unti-unti na ring nababawasan ang perang naipon namin. Gayunman, pilit niya akong pinapagretiro na rin sa pagtuturo. Sabi niya, huwag na raw akong magtiyaga sa maliit na suweldo at ibenta na lang namin ang bahay para manirahan sa probinsiya.

Pero para sa akin, mabilis maubos ang pera sa panahon ngayon kahit gaano pa kalaki ang ipon. Kahit tapos na sa pag-aaral ang mga anak namin, iniisip ko pa rin ang aming kinabukasan, lalo na kung sakaling magkasakit ang isa sa amin.

Isang linggo na akong hindi kinikibo ng mister ko dahil ayaw ko pang magbitiw sa trabaho. Pakiramdam ko, nababagot siya sa bahay kaya sa akin niya ibinubunton ang kanyang pagkadismaya. Nakita ko na rin ang ganitong sitwasyon sa ilan kong mga kasamahang guro na maagang nagretiro dahil sa kagustuhan ng kanilang asawa, pero  hindi rin naging masaya sa huli.

Paano ko ba ipaliliwanag sa mister ko na hindi ganoon kasimple ang mga bagay? Ano ang dapat kong gawin kung hindi pa talaga ako handang magretiro?

Teacher Melba

Dear Teacher Melba,

Natural lamang na may pinagdaraanan ang mister mo sa pag-a-adjust sa kanyang buhay-retirado. Matagal siyang nasanay sa pagiging abala sa trabaho kaya maaaring nakakaramdam siya ngayon ng pagkabagot at nais kang makasama nang mas madalas.

Subukan mong himukin siyang magkaroon ng bagong pagkakaabalahan tulad ng maliit na negosyo, paghahalaman, pagla-lakbay o iba pang hilig na makapagbibigay sa kanya ng sigla at layunin araw-araw. Sa kabilang banda, unawain mo rin ang kanyang panig at maging tapat ka sa iyong damdamin. Pag-usapan ninyo nang maayos para pareho kayong magkaroon ng kapanatagan sa hinaharap.

Dr. Love

DR LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with