^

Dr. Love

In-love sa guwardiya

-
Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Isa po ako sa masugid na sumusubaybay sa inyong column. Nalaman kong napakagaling ninyong magbigay ng advice kaya naisipan ko pong sumulat sa inyo.

Tawagin na lamang ninyo akong Lanie, taga-Batangas at nagtatrabaho sa Las Piñas. Seventeen years-old lang po ako at pakiramdam ko ay seryoso na akong umibig.

Umiibig po ako sa isang guwardiya. Jaymor po ang kanyang pangalan. Pakiramdam ko ay mahal na mahal niya ako kaya nagkaroon kami ng relasyon. Sa ngayon ay nakadestino siya sa ibang lugar kaya hindi na kami nagkikita at wala na rin kaming komunikasyon sa isa’t isa. Ni hindi man lang siya sumusulat o tumatawag sa akin.

Hindi ko po alam ang aking gagawin. Mahal na mahal ko po siya. Sabi ng mga pinsan ko ay niloloko lang niya ako dahil lahat daw ng mga guwardiya ay maraming asawa o girlfriend sa bawat lugar na mapadestino sila.

Totoo po ba ang mga sinasabi nila? Hindi ko po alam ang aking gagawin. Hanggang ngayon ay wala akong balita tungkol sa kanya. Sana ay mabigyan ninyo ako ng advice.

God bless you and more power.

Ang inyong tagasubaybay,

Lanie ng Batangas


Dear Lanie,


Hindi naman lahat ng mga guwardiya ay katulad ng sinasabi ng mga kaibigan mo. I believe na nasa tao iyan kung likas siyang manloloko. Sa iyong kaso, kung talagang mahal ka ni Jaymor, gagawa siya ng paraan para magkita kayo o magkausap man lang.

Bakit ba ang ibang mga guwardiya, nakakasilip ng panahon para makita ang kanilang minamahal. Hindi ba’t may day-off naman siya? Bakit hindi ito ang gamitin niya para magkita kayo kahit sandali lang.

Huwag mong isipin na mahal na mahal mo siya. Bata ka pa at hindi mo pa nalalaman ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Baka infatuation lang ang naramdaman mo sa kanya na ipinagkamali mo sa pagmamahal. Malaki ang kaibahan ng mga bagay na ito. Marami ka pang makikilalang mga lalaki kaya don’t despair sa pagkawala ni Jaymor.

Dr. Love

vuukle comment

BAKIT

BATANGAS

DEAR LANIE

DR. LOVE

JAYMOR

LANIE

LAS PI

MAHAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with