^

Police Metro

Mga illegal na nagbebenta ng PNP uniform at insignia, binalaan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigpit na ipinagbabawal at pinagtutuunan ng pansin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at ng buong PNP ang ilegal na paggawa, pagbebenta, pamamahagi, at pagsusuot ng mga uniporme, insignia, at kagamitan ng Philippine National Police sa mga hindi otorisadong tao o establisimyento.

Ayon kay NCRPO Officer-in-Charge Police Brig.Gen.Christopher Abrahano na mayroon na siyang direktiba sa online shopping platforms at lehitimong suppliers ang mga tauhan para tiya­king hindi makarating o makabili ang mga sibilyan na seryosong banta sa seguridad.

Sa ilalim ng Executive Order No.297 series of 2000, bawal ang hindi otorisadong paggawa at pagbebenta ng uniporme ng PNP nang walang apruba ng PNP Uniform and Equipment Standardization Board. Tanging accredited suppliers lamang ang otorisadong gumawa at magbenta nito.

Maaaring patawan ang lalabag ng pagsasara ng puwesto, kansela ng permit, kumpiska ng produkto, multa at kasong administratibo, sibil at kriminal.

Ito ay kasunod nang pagkakaaresto sa Cubao, Quezon City sa 31-anyos na lala­king nagpanggap na pulis suot ang unipormeng may ranggo at patch. Nahaharap siya sa reklamong usurpation of authority at illegal use of uniform.

NCRPO

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with