^

Police Metro

Cayetano, inakusahan si Lacson ng ‘demolition job’

Malou Escudero - Pang-masa
Cayetano, inakusahan si Lacson ng ‘demolition job’
Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senator Ping Lacson
Senate SMU

Kaugnay ng flood control projects…

MANILA, Philippines — Pumalag si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga paratang ni Senator Ping Lacson kaugnay ng umano’y ghost at maanomalyang flood control projects sa Taguig City.

Inakusahan ni Cayetano si Lacson ng demolition job, trial by publicity at witch hunt dahil sa pag-uugnay sa kanya sa mga proyekto at lupang bahagi ng reclaimed area ng Laguna Lake na sakop ng Taguig.

Ani Cayetano, wala siyang problema na batuhin ng akusasyon dahil isa siyang public official pero unfair aniya na iugnay sa kanya ang lahat ng proyekto at titulo sa Taguig.

Tinutukoy niyo ang mga titulo ng ni-reclaim na bahagi ng Laguna Lake na bahagi na ng Taguig.

Sinabi ni Cayetano na handa siyang sagutin ang mga alegasyon sa tamang forum at iginiit na wala siyang galit kay Lacson.

Aniya, hindi patas na iugnay sa kanya ang lahat ng mga proyekto sa lungsod.

Samantala, sinabi ni Lacson na naisumite na sa Ombudsman ang mga ebidensyang nakalap ng kaniyang tanggapan kaugnay ng mga proyekto sa Taguig.

ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with