^

Police Metro

VP Duterte, hindi pwedeng pilitin na aminin ang bank at BIR records

Gemma Garcia - Pang-masa
VP Duterte, hindi pwedeng pilitin na aminin ang bank at BIR records
Vice President Sara Duterte arrives at the Senate in Pasay City on July 7, 2026 to meet with members of her defense team ahead of the continuation of her impeachment trial.
The Philippine STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Hindi kinatigan ng Impeachment Court ang hiling ng prosecution para sa pag-amin ni Vice President Sara Duterte sa mga bank at BIR records na ihaharap sa impeachment trial laban sa kanya.

Sinabi ni Impeachment Court presiding officer Francis “Chiz” Escudero na hindi maaaring gamitin ang Rule 26 ng Revised Rules of Civil Procedure upang kilalanin ng respondent ang mga dokumento dahil maaaring lumabag ito sa kanyang rights against self-incrimination sa ilalim ng Article III, Section 17 ng Konstitusyon.

Nauna nang sinabi ni House prosecutor Rep.Chel Diokno na maaaring mapabilis ang pagliitis kung aaminin ni Duterte ang mga dokumentong pinansyal.

Sinabi ng korte na kung papayagang ipasagot ang Request for Admission, ang mga sagot ay maaaring maging paraan upang mapilit ang respondent na tumestigo laban sa kanyang sarili.

Binigyang-diin din ng korte na hindi maaaring ilipat ng prosecution sa respondent ang burden of proof sa pamamagitan lamang ng Request for Admission.

Tungkulin aniya ng prosecution na patunayan ang mga alegasyon gamit ang competent evidence, habang dapat mabigyan ang respondent ng patas na pagkakataong kontrahin ang ebidensya.

Bagama’t sinabi ng prosecution na handa itong bawiin ang Request for Admission at sa halip ay humingi ng stipulations.Ipinaliwanag ng korte na ang stipulations ay nangangailangan ng pagsang-ayon ng magkabilang panig at hindi maaaring ipilit ng korte.

Sa kabuuan, sinabi ng korte na anumang hakbang para mapabilis ang impeachment trial ay hindi maaaring manaig sa mga karapatang ginagarantiyahan ng Konstitusyon, partikular ang karapatan laban sa self-incrimination.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with