^

PSN Showbiz

Kris gustong pagdoktorin si Bimby

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kris gustong pagdoktorin si Bimby
Bimby

Pinost ni Kris Aquino kung paano nila ipinagdiwang ang 11th birthday ni Bimby kahapon habang nasa Tokyo sila. Ang sweet ni Bimby dahil nang tanungin ni Kris ng birthday wish nito.

“I wish for my Mama’s happiness” na ikinatuwa ni Kris.

Wish pala ni Kris maging doctor si Bimby, “If i could be granted my prayer – may God give me our family’s 1st doctor in Bimb. Hopefully an anesthesiologist, cardiologist, or neurologist.” 

Sa nag-comment na malaki ang sahod ng doctor na may ganung specialty, ang sagot ni Kris, “hindi yung salary ang habol ko, ‘yung ang health problems ko.”

Nakita sa video ang pagyakap ni Josh kay Bimby to greet his brother a happy birthday. Naalaala namin ang birthday message ni Kris kay Bimby “Thank you because I know kuya will always have a kakampi.”

Samantala, inaabangan na this Friday at 12nn, ang i-a-announce ni Kris via Instagram, Facebook at YouTube. Pero dahil sa clue niyang “homecoming”, parang alam nang tungkol ito sa pagtanggap ni Kris ng movie offer sa Star Cinema.

Dina binuko ang mga nakatrabahong feeling superstar

Na-appreciate ng mga inimbitang press people ni Jun Lalin ang gesture ni Dina Bonnevie na bago simulan ang Q&A sa interview na ipinatawag ni Leo Dominguez, ang bagong manager ng aktres dahil under LVD Management na ang aktres, sa tulong ni Jun, inalam muna ang panga­lan ng mga reporter, saka sinundan ng Q&A.

Kahit puyat dahil umaga nang na-pack-up ang taping ng The Blood Sisters ng ABS-CBN, masaya pa rin ang tsikahan lalo’t maraming pa-blind item si Dina tungkol sa mga bago at mga batang artista na nagpi-feeling superstar. Sayang at hindi nito pinanga­lanan ang aktres na nang sitahin niya dahil late nag­re-report sa taping, ay nagsumbong sa nanay.

Blind item din nito ang Kapamilya aktor na nanligaw sa kanya at in-stalk siya.

But Dina has only good words for Erich Gonza­les na gumaganap na anak niya sa serye. Para raw silang totoong mother and daughter at na-meet na nga niya ang boyfriend ni Erich na obviously, dumadalaw sa taping.

Okay kay Dina na magkaroon sila ng reunion project nina Maricel Soriano at Snooky Serna, her co-Underage girls. Pabor din siya sa na-suggest ni direk Joel Lamangan na Overage movie na sila ring tatlo ang bida.

“Maganda yan, why not? Never kaming nagkaaway na tatlo noong mga bata pa kami. Dapat magkasama kami ni Maricel sa soap, hindi lang natuloy,” sabi ni Dina.

vuukle comment

BIMBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with