Kaso ng Talitay Mayor aprub sa Ombudsman
MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang kaso ni dismissed Mayor Montasir Sabal ng Talitay, Maguindanao matapos makakita ng probable cause hinggil sa pagkabigo nitong magdeklara ng kanyang assets at business interests sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) mula taong 2011 hanggang 2015.
Ayon sa Ombudsman, si Sabal ay nahaharap sa 5 counts sa bawat isang paglabag sa Section 8 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at Section 7 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Sandiganbayan.
Sa record ng Ombudsman, si Sabal ay bigong maisama sa kanyang SALN ang 13 armas, 4 na sasakyan tulad ng Hummer, Ford Ranger, Toyota Land Cruiser, at Toyota Hilux; at apat na business interests sa bayan ng Datu Odin Sinsuat at Talitay, Maguindanao.
Hindi rin umano naideklara ni Sabal ang halaga ng biniling mga lupain sa kanyang SALN.
Hindi naman pinaniwalaan ng Ombudsman ang pahayag nitong hindi naisama ng kanyang tauhan ang mga armas sa naideklarang pag-aari sa kanyang SALN.
- Latest