^

Police Metro

19 naratay sa kinaing noodles

Joy Cantos - Pang-masa
19 naratay sa kinaing noodles
Sa inisyal na ulat ng Office of Civil Defense Region 12, dakong alas-8:00 ng gabi nang isilbi sa mga bata ang kanin at noodles para sa piyesta ng Brgy. Takunel sa nasabing bayan.
Daniel Go/CC BY-NC

MANILA, Philippines — Isinugod sa pagamutan ang 19 katao na karamihan ay mga bata matapos na malason sa kinaing noodles na inihanda sa isang piyestahan  sa Lake Sebu, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 12, dakong alas-8:00 ng gabi nang isilbi sa mga bata ang kanin at noodles para sa piyesta ng Brgy. Takunel sa nasabing bayan.

Matapos makain ang nasabing isinilbing noodles ay nakaranas nang matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo, matinding pananakit ng ulo at pagsusuka ang mga biktima.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga biktima upang malapatan ng lunas.

Isinailalim na ng local health officials sa pagsusuri ang kinaing noodles ng mga biktima.

NOODLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with