^

PSN Showbiz

Vhong di pa rin mapakasalan ang GF!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Vhong di pa rin mapakasalan ang GF!

Kahit matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Bianca Lapus at ang dancer-turned TV host-comedian na si Vhong Navarro, nanatiling magkaibigan pa rin ang dalawa hanggang ngayon dahil na rin sa kanilang common bond, ang kanilang teen-age son na si Isaiah Vhong “Yce” Navarro na kaga-graduate lamang recently ng high school.

Si Bianca ay matagal nang may ibang karelasyon, ang non-showbiz na si Jimmy Velasquez at meron na rin silang dalawang anak na lalaki habang may long-time girlfriend naman si Vhong, si Tanya Winona Bautista.  May elder brother si Yce, si Frederick na anak naman ni Vhong sa isang non-showbiz na una nitong nakarelasyon.

Sina Vhong at Bianca ay ikinasal nung 1998 pero sila’y nagkahiwalay in 2005.

Matagal na ring napapabalitang balak pakasalan ni Vhong ang kanyang longtime partner na si Tanya pero hindi pa rin ito nangyayari hanggang ngayon.

Lito at Mark malaki ang pasasalamat sa pagkabuhay ng career

Thankful ang mag-amang Lito at Mark Lapid kay Coco Martin at sa bumubuo ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil ang nasabing programa ang nagsilbi nilang comeback vehicle.

Matagal-tagal na ring hindi aktibo sa showbiz ang mag-ama na parehong pumasok sa larangan ng pulitika.

Ang FPJ’s Ang Probinsyano ay second TV series na bale ni Lito. Nauna rito ang Little Champ in 2013.

Speaking of FPJ’s Ang Probinsyano, papasok sa nasabing long-running and top-rating primetime TV series ang bagong Kapamilya talent na si Ryza Cenon ganundin ang actor-politician na si Jolo Revilla.

Ariel tapos na ang pagiging masama

In less than two weeks ay magtatapos na sa ere ang sinusubaybayang panghapong serye, ang Walang Hanggan na pinangungunahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde kasama sina Ariel Rivera, Teresa Loyzaga, Sue Ramirez, Yves Flores, Maris Racal at iba pa mula sa magkatulong na direksiyon nina Jeffrey Jeturian at Topel Lee.

Abot din ng seven months sa ere ang nasabing serye kung saan gumanap na isang main antagonist si Ariel Rivera na first time niyang ginawa.

Although unang nakilala si Ariel bilang isang singer at recording artist, hindi nito ikinakaila na pareho siyang passionate sa kanyang singing and acting career.

Almira mas payapa ang buhay nang mahiwalay kay Bong Alvarez

Halos pitong taon na ring walang communication ang aktres na si Almira Muhlach sa kanyang ex-husband, ang dating cager-actor na si Paul “Bong” Alvarez magmula nang sila’y magkahiwalay.

Kahit mahirap maging isang single parent sa kanyang tatlong anak na pawang babae, kinakaya ito ni Almira na umaming mas peaceful ang kanyang buhay ngayon kesa noong nagsasama pa sila ng dating mister.

Si Almira ay half-sister nina Aga at Arlene Muhlach gayun din ng iba pa nilang half-siblings na sina Barok, AJ, Andrew sa amang si Cheng Muhlach.

vuukle comment

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with