^

PSN Showbiz

Rachelle Ann hindi nagpasindaksa pagsasara ng Bora

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Rachelle Ann hindi nagpasindaksa pagsasara ng Bora
Martin at Rachelle Ann

One week bago ang pansamantalang pagsasara ng Boracay (na aabot ng anim na buwan) ay hahabol ang engaged couple na sina Rachelle Ann Go at Martin Spies ng kanilang beach wedding sa nasabing lugar kung saan din nag-propose ang American executive sa kanyang Filipina singer-actress fiancée nung September 8, 2017.

?Sina Rachelle Ann at Martin ay ikakasal sa isang beach wedding in Boracay bukas, April 19 na inaasahang dadaluhan ng kanilang respective families and close friends.

?Ang couple ay nagkakilala sa isang simbahan in New York City, USA in February 2017 sa pamamagitan ng isang common friend.  Sa New York naka-base si Martin na nagtatrabaho bilang isang top executive ng isang kumpanya habang si Rachelle Ann naman ay gumaganap na Gigi sa restaging ng Miss Saigon sa Broadway in New York.

?Tila na-love at first sight si Martin kay Rachelle Ann kaya niligawan na niya ito hanggang sa maging sila. Sa birthday ni Rachelle Ann last August 31 ay sa Boracay nila ito idinaos kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan ng West End at Broadway star at doon na rin isinagawa ni Martin ang kanyang proposal sa kasintahan.

Ryza sinuwerte

?Masuwerte ang dating Kapuso star na si Ryza Cenon dahil sabak kaagad ito sa isang major TV series bilang bagong miyembro ng Kapamilya Network.  Makakasama si Ryza sa isang bagong drama TV series nina Angel Locsin, Maricel Soriano, Eula Valdez at Janice de Belen na lahat first time niyang makakatrabaho.

?Ang bagong TV series kung saan kasama si Ryza ay pamamahalaan ng Dreamscape Enter­tainment ni Roldeo Endrinal. Ito rin bale ang mag­sisilbing bagong serye ni Angel matapos ang kanyang The Legal  Wife TV series in 2014.  Nagkaroon din siya ng special guest appearance sa nagtapos na La Luna Sangre na tinampukan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Richard Gutierrez.

?Samantala, ano na kaya ang balita sa dapat sana’y reunion movie project nina Angel Locsin at Richard Gutierrez sa bakuran ng Star Cinema?  Matutuloy pa kaya ito?

Kring-Kring hindi pa alam kung gusto pa uling mag-mayor

?Undecided pa ang singer-actress-turned politician na si Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez kung magsi-seek siya ng reelection ng pagka-mayor ng Tacloban next year o muli niya itong ipapasa sa kanyang mister, ang three-term dating mayor ng siyudad na si Alfred Romualdez.?

?While she is capable of running the city, hindi rin ikinakaila ng Mayor Kring-Kring na kailangan niyang balan­sehin ang kanyang role bilang ina ng Tacloban at ang role niya bilang asawa (ni Alfred), ina ng kanilang dalawang anak na sina Sofia at Dia­na Romualdez at bilang anak sa kanyang ­ailing parents na sina Jose Mari Gonzales at Rosario Mallarky-Gonzales at kapatid sa kanyang younger siblings.

Pero sa kabila ng kanyang stressful work bilang alkalde ng Tacloban, ginagampanan niya ito ng tapat at  buong puso kaya siya well-loved ng mga Taclobanons.

Pagkaraan ng mahigit apat na taon matapos hagupitin ang Tacloban at ibang mga karatig–lugar ng Eastern Visayas ng bagyong Yolanda na nag-iwan saTacloban sa almost ground zero, napakalaki na nang iginanda ng siyudad at ito’y dahil na rin sa pamamahala ng mag-asawang Alfred at Kring-Kring at tulong ng iba pang mga local officials ng Tacloban at ng mga Taclobanons na rin in general.

?Si Kring-Kring ang kauna-unahang lady mayor ng Tacloban.

vuukle comment

BORACAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with