^

Pang Movies

Birthday di na naalala Sharon wala nang paki kay KC!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Birthday di na naalala Sharon wala nang paki kay KC!
KC Concepcion

Sharon Cuneta has decided to take a break from social media. Ito ang kanyang inanunsyo sa kanyang socmed accounts last Saturday.

Bagama’t nalungkot, naintindihan naman ng kanyang mga fans ang desisyon niyang ito at anila, willing daw silang maghintay until fully rested na ang kanilang idolo.

“Take good care Mama @reallysharoncuneta we’ll miss you but we understand, you need time to rest and breathe away from social media. I love you po,” comment ng isang netizen.

Reply naman ng isa, “Just take care. We will still be here when u come back. love you!”

Comment naman ng isang die-hard fan niya, “We will miss you.  But we will be okay knowing you desire this...we understand it is for the best. And when you are fully rested and ready again, we will be here as always to welcome you back with open arms in SocMed. And while you are away, please know that your army of SHARONIANS will continue to post updates and throwbacks because we can’t live without you. We LOVE you so much @reallysharoncuneta !!! Take care and be well always po.”

Hindi namin alam kung may kinalaman sa sunud-sunod na pangba-bash sa kanya lately ang desisyon ni Sharon na magpahinga muna sa socmed or pwede rin namang napagod na lang siya talaga.

Nitong mga nakaraang linggo kasi ay nakatanggap si Sharon ng sunud-sunod na bashings dahil sa mga “parinig” posts niya sa ex-husband na si Gabby Concepcion to the point na pati ang asawa niya na si Sen. Francis Pangilinan at anak na si KC Concepcion ay idinadamay na.

Goodbye Aly, KC kapiling ang ex na French sa buhanginan!

Hindi lang si Sharon ang pinag-uusapan nga­yon sa socmed kung hindi pati ang panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Talk of the town ang latest post ni KC Concepcion sa Instagram account niya na larawan niya with two non-showbiz guys habang nasa Palawan sila.

Caption ni KC sa picture, “Twelve years of friendship (I hope they won’t fire me as their preferred travel agent, personal assistant & also secretary.).”

May isang netizen na nakakilala sa tall guy na kasama ni KC sa picture at aniya ito raw ang college friend ng aktres named Hugo at ayon sa tsika, ex-boyfriend daw ni KC ang French national na ito.

Matatandaang sa France nag-aral si KC ng college and graduated in 2007.

Ayon naman sa PEP.ph, ito raw Hugo na ito ang na-mention ni KC na ex-boyfriend niya sa interview niya noong 2014 sa Kris TV.

Many are wondering kung nagkabalikan ba si KC at ang French ex boyfriend dahil nga sila ang magkasama sa bakasyon. As we all know, single ngayon ang dalaga ni Megastar matapos nitong kumpirmahin ang break-up nila ni Aly Borromeo kamakailan.

May mga netizens naman na nagkomento na ang dali naman daw makahanap ni KC ng kapalit ni Aly while some say naman na foreigner daw talaga ang bagay na makatuluyan ng aktres.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with