^

PSN Showbiz

Kapamilya artists sama-samang nagpasaya sa Station Id

Pilipino Star Ngayon
Kapamilya artists sama-samang  nagpasaya sa Station Id

MANILA, Philippines — Damang-dama ang init ng pagmamahal sa pinakabagong ABS-CBN summer station ID ng ABS-CBN tampok ang halos 200 Kapamilya artists na nagpakita kung paano maaaring magbahagi ng pagmamahal, pagkalinga, at paglilingkod sa kapwa sa iba’t ibang paraan araw-araw.

May temang Just Love Araw-Araw ang inilunsad na station ID sa It’s Showtime noong Sabado (Abril 14), kung saan bumida ang hosts ng noontime show na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Karylle, Vhong Navarro, Amy Perez, at Jugs & Teddy at nagbigay ng saya at nakipagsayawan sa mga residente ng Scout Bayoran sa Quezon City.

Buong araw namang naglaan ng oras sina Sharon Cuneta, Angelica Panganiban, Joshua Garcia, Julia Barretto, at ang iba pang cast ng Banana Sundae, ASAP, at upcoming teleseryes na Araw Gabi at Since I Found You upang makasama sa iba’t ibang rides at salo-salo ang mga batang iskolar ng DZMM at ang mga magulang nila sa Enchanted Kingdom.

Para naman ipakita ang pagmamahal sa komunidad at kahalagahan ng pagtutulungan, sumama sa pagtatanim ng palay si Piolo Pascual sa mga magsasaka ng Philippine Rice Research Institute sa Muñoz, Nueva Ecija, habang dinayo naman ng The Blood Sisters stars na sina Erich Gonzales, Enchong Dee, at Ejay Falcon ang StoBoSa Hillside Homes Artwork, kung saan sama-samang pinapanatili ng mga residente ang kagandahan ng naturang tourist spot sa Baguio.

Nagbahagi naman ng karunungan ang ABS-CBN chief content officer at MMK host na si Charo Santos-Concio sa ilang miyembro ng Girl Scouts of the Philippines, samantalang tinuruan naman ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano, sa pangu­nguna ni Coco Martin, ng pagbibisikleta ang mga bata mula Kamuning Bible Christian Fellowship.

Hinihikayat din ng ABS-CBN ang mga Pilipino na gumawa ng mga makabuluhang gawain ngayong summer upang magbigay ng liwanag sa buhay ng isa’t isa.

Idiniin nina Jericho Rosales at Sam Milby ang pagmamahal para sa kalikasan sa kanilang pagsama sa beach clean-up sa San Juan, La Union. Inakyat naman ni Angel Locsin ang tuktok ng Mt. Batolusong sa Tanay, Rizal upang ipakita ang ganda ng Pilipinas, habang binisita ni Luis Manzano ang Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.

Tampok din sa makulay na station ID ang pinakasikat na love teams sa bansa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, Nadine Lustre at James Reid, Janella Salvador at Elmo Magalona, Elisse Joson at McCoy De Leon, at Maymay Entrata at Edward Barber na nagbigay ng kilig sa mga dinayo nilang lugar. Napanood din dito ang top Kapamilya stars na sina Kim Chiu, Toni Gonzaga, Maja Salvador, King of Talk Boy Abunda, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at iba pa.

vuukle comment

ABS-CBN

KAPAMILYA ARTISTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with